OKT ABR0AD NEWS SATURDAY, JUNE 29, 2013 s0urce- ABANTE Espesyal - TopicsExpress



          

OKT ABR0AD NEWS SATURDAY, JUNE 29, 2013 s0urce- ABANTE Espesyal na dasal hinirit sa bibitaying Pinay (Aries Cano) Hiniling ng Catholic Bishops’ Conference ofthe Philippines (CBCP) sa mga diocese at parokya sa buong bansa na mag-alay ng espesyal na panalangin sa mga misang idaraos para masagip sa bitay ang Pinay na inaakusahang drug courier sa China. “Panawagan natin sa lahat ng pari na mag-alay ng dasal hanggang Linggo para huwag matuloy ang pagbitay sa OFW na nakatakda sa a-dos ng Hulyo,” panawagan ni Father Edwin Corros, executive secretary ng Episcopal Commission on Itinerant People ng CBCP. Kasabay nito, nagpahayag ng pagkadismaya ang pari sa makupad na aksyon ng gobyerno sa mga OFW na nakahilera sa bitayan. “Nakakalungkot na mahina ang respond ng ating government. Matagal na ito, ang structures…ang pagdaing sa ganitong bagay ay walang mabilis na respond sa problemang ito,” dagdag ni Fr. Corros. Isinisisi rin ni Fr. Corros sa kahirapan ang ugat ng pagdami umano ng mga kababayan na sumusugal na kumayod sa abroad. Bunsod nito, muling hinamon ng pari ang pamahalaan na lumikha ng maraming trabaho sa bansa at palakasin ang employment program para hindi na makipagsapalaran ang mga kababayan sa banyagang lugar. “Laging ini-exploit ang kahirapan ng isang tao. Kaya palagi kong sinasabi na malaking hamon sa pamahalaan ang paglikha ng trabaho sa ating mga kababayan para hindi na sila mangibang bansa gayundin sa simbahan na tugunan ang spirituality ng tao para hindi masilaw sa kinang ng salapi,” sabi pa ni Fr. Corros. -XENA
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 23:57:18 +0000

Trending Topics



-sing-this-but-Everybody-acts-like-the-fact-of-topic-10152473022218514">time to not sing this but... Everybody acts like the fact of

Recently Viewed Topics




© 2015