OKT BALITANG VISMIN 4 bata inararo ng multi-cab (JB - TopicsExpress



          

OKT BALITANG VISMIN 4 bata inararo ng multi-cab (JB Salarzon) Malagim ang naging huling sandali ng apat sa pitong batang naglalaro sa tabi ngkalsada nang araruhin sila ng rumaragasang crew cab kamakalawa sa Barangay San Isidro, Biliran, Biliran. Sugatan at isinugod sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) ang mga batang sina Jennel Napoles, Jea at CristineBacalla sa Tacloban City para malapatan ng lunas habang dead on the spot ang magkapatid na sina Marvic Joefe Garis, 9, at Florence, 7; at magkapatid na sina Maria Rosi Bacalla, 9, at Glori Jane, 12. Naglalaro ang mga bata sa tabi ng highway sa harapan ng Naval State University–Biliran Campus nang araruhin sila ng sasakyan ng Biliran Electric Cooperative na minaneho ni Poncio Banlutan. Sa paunang report ng Biliran Provincial Police Office, nangyari ang malagim na aksidente dakong alas-7:30 ng gabi. Agad namang sumuko ang driver. Paliwanag ni Banlutan sa pulisya, nawalan siya ng kontrol sa manibela. “Lahat ng mga bata na ito ay estudyante sa elementary,” ayon sa report ng Biliran police. S0urce- Abante FRIDAY, JULY 05, 2013
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 00:23:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015