OKT H0R0SC0PE Agosto 15, 2013 Ni Madam Rosa(Pilipino Star - TopicsExpress



          

OKT H0R0SC0PE Agosto 15, 2013 Ni Madam Rosa(Pilipino Star Ngayon)|Updated August 15, 2013 Pagtitibay: Huwag makuntento sa pangangarap, kumilos para magkaroon ng katuparan. LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –Kung ang pagla­lakbay ay tungkol sa negosyo o pagkakakitaan, ito ay inaaayunanng panahon. Pero kung ang pakay ay paglilibang, dapat itongipagpaliban. Harapin ang paghahanap-buhay at iwaglit pansamantala ang paglilibang. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 28, 39 at lemon green. VIRGO (Agosto 23- Setyembre23) –Iwasan ang usaping pera para hindi humantong sa hindi pagkakaunawaan. Iwasan ang bawal na pag-ibig. Huwag hayaang kumatok ang selos sa pintuan kung nais maging maligaya ang pagsasama. May pagkakataong matutuklasan ang isang lihim. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 30, 42 at sky blue. LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) –Ang tampuhan ng nakaraan ay magkakaroon ng solusyon kung ito ay haharapin ngayon. Sa samahan sa trabaho o mga kaibigan, ang magandang pag-uugali ang dapat pairalin dahil may mga ilan ang madalingmagtampo o magagalitin. Magiging maunlad ang takbo ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 37, 40 at pearl white. SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –Bigyang prayoridad ang tungkulin bago ang sarili at iba. Inaaayunan ng pagkakataon ang pagpapa­hinga o paglilibang pero alalahanin na ang responsibilidad ay hindi makaligtaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 26, 40, 41 at cherry red. SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) –Magkakaroon ng mahalagang pagdedesisyunanna kung hindi mag-iingat ay pagsisisihan. Huwag padala sa sulsol at kapahamakan lamang ang matatamo. Sundin ang kutob dahil angkin mo ang lakas ng ESP na siyang mag-lalagay sa tamang sitwasyon. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 26, 36 at shocking pink. CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –Pikon ka ngayon kaya’t habaan ang lubid ng pasensya dahil gulo lamang ang kahahantungan kung paiiralin ang init ng ulo. Ang pagkakamali at hindi magandang karanasan ay gabay para maging matuwid ang landas ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 40, 42 at apple green. AQUARIUS (Enero 20- Pebrero18) –Depende sa situwasyon ang galaw ng pag-iisip. Kung ina­akala ang ginawa ay magdudulot ng kabutihan, ituloyat magiging positibo ang resulta.Subalit kung may pagdududa, huwag ituloy dahil pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at lavender. PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –Walang mangyayari kung magmumukmok sa isang tabi kung may suliranin. May kapangyarihan ang isip ng tao kaya walang dahilan na hindi makita ang solusyon kung ito ay pag-iisipan at susundan ng pagkilos. Katamaran ang siyang iiral sa iyo. Dapat paglabanan ito.Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 29, 39 at canary yellow. ARIES (Marso 21- Abril 19) –Ang pagtulong sa kapwa sa pinansyal o materyal ay hindi masama, ngunit tiyakin ang sarilina may labis at hindi kakapusin. Maging totoo at iwasan ang magmayabang. Kung kapos at kailangan mo rin, huwag mahiyang magsabi ng totoo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 17, 25 at pink. TAURUS (Abril 20- Mayo 20) –Magiging mapusok, na tatapos sa iyong pag-ibig. Self-control ang kaila­ngan para hindi mapahamak at magsisi sa bandang huli. Sa mga dalaga, mag-ingat sa larangan ng pag-ibig dahil madali mong ibigay ang sarili. Dapat magpakasal muna. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 30, 36 at copper red. GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –Panahon na ng pagbabago kaya baguhin ang ugaling tsismosa, daldalera, matapobre at mapagmataas dahil marami ang hindi na natutuwa sa iyong ugali. Baguhin ang pamamaraan at pamamalakad ng negosyo para umunlad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 32, 39 at yellow. CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –Aminin at tanggapin ang pagkakamali. Upang manatili angmagandang samahan sa pamilya,tulungan at gabayan ang kaanak sa pangangailangan o may pro­blemang kailangan ma masolusyunan. Magiging bukas sa pagtanggap kung ano ang pagkukulang ng bawat isa at hanapan ng wastong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 32, 40 at orange.
Posted on: Thu, 15 Aug 2013 00:17:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015