OKT HOROSCOPE Agosto 5, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - TopicsExpress



          

OKT HOROSCOPE Agosto 5, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 5, 2013 Pagtitibay: Hindi sa tao kundi sa Diyos mo ibahagi ang iyong buhay. Dahil sa Kanya nagmumula ang lahat ng pagpapala. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Hindi magdududa ang mga kakilala sa taglay mong lakas dahil sa iyong pangangatawan. Ngunit ang totoo, mahina ang iyong kalusugan. Ang karagdagang oras sa trabaho ay hindi magiging pabor para sa iyo. Mas gugustuhin niya ang isang tulad mo dahil sa iyong pagkamahinahon at pagkama-alalaha nin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 28, 36 at garnet. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Makukuntento ka sa mabuting pagtingin niya sa iyo. Unti-unti mo nang natatanggal ang iyong mga masamang bisyo. Malalagay sa panganib ang kinita kung luho ang palaging nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at baby blue. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Magiging pasensyoso ka sa lahat ng pagkakataon sa araw na ito. Malakas ang dating mo ngayon sa mga humahanga. Magigipit ka dahil sa pagiging magastos at mapagbigay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 22, 31, 41 at white. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Galak ang mararamdaman mo sa piling ng mga mahal sa buhay. Mapapawi ang iyong negatibong ener­hiya sa ugali ng iyong makakasala­muha . Matatanggalan ka ng ilang pribilehiyo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 39, 41 at maroon. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Madamdamin ang magiging araw mo sa piling ng sinusuyo. Malalagay sa peligro ang mga ari-arian kung hindi ito iingatan. Hindi mo pababayaan ang sarili na bumigay o paunlakan ang paanyaya ng masamang barkada. Tama ang iyong gagawin dahil mapapahamak ka lamang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 21, 29 at cadet blue. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero­ 19) — Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa trabaho o sa tahanan. Masuwerte ka sa napiling mi­­ namahal. Mag-ingat sa mga pabango at pampakinis ng balat na magbibigay ng pagkairita ng iyong balat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 12, 25 at orange. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Sa wakas, makikita mo na ngayon ang kagandahan ng walang iniibig dahil malaya ka na rito. Mahihirapan kang mag-isip ng mga bagong ideya ngunit huwag tantanan dahil kalaunan ay may magandang ideyang maiisip. Magi­ ging matalas ang iyong memorya. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 27, 38 at burgundy. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Mawawalan ka ng suporta sa mahalagang sector ng lipunan ngunit hindi sa pamilya at minamahal. May matututunan kang bagong kaalaman sa tamang pagkain. Ang pagbisita ng isang kaibigan ay magbubunga ng magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 33, 41 at violet. ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Hindi mo maiiwasan na gumastos ngayon sa hindi gaanong kailangan. Aaliwin ang sarili sa pamamagitan ng pamamasyal at pamimili. Iukol mo ng panahon sa pag-aayos ng sarili para sa isang bisita. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 41 at Lilac. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Hindi ka mahihiyang ipakita ang magandang pangangatawan dahil hahangaan ka. Hindi makakabuti sa iyo ang magaganap sa meeting o pagpupulong dahil panay tutol ang iba sa iyong mga panukala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 31, 40 at aqua blue. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Mababaon sa limot ang isang masalimuot na alaala. Maaayos mo na ang iyong schedule na sadyang nagpagulo ng iyong mga aktibidades. Mapupunta sa wala ang napundar kung magpapabaya at hindi mag-iingat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 27, 37 at purple. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Makiramdam ka sa ikinikilos ng iyong minamahal dahil mayroon siyang gustong ipahiwatig. Kung hindi sasabihin, ikaw na ang magtanong. Maayos ang pinansyal na pangangailangan sa linggong ito ngunit huwag magtiwalang magiging magastos dahil baka kapusin sa hindi maiiwasang gastusin. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 35, 42 at fuchsia.
Posted on: Mon, 05 Aug 2013 00:35:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015