OKT NEWS 2. Mister nag-suicide sa hotel Ni Ludy Bermudo(Pilipino - TopicsExpress



          

OKT NEWS 2. Mister nag-suicide sa hotel Ni Ludy Bermudo(Pilipino Star Ngayon)|Updated August 12, 2013 MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong­ kay kamatayan ang 64-an­yos na mister matapos itong magbigti sa loob ng hotel sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng hapon. Kinilala ang biktimang si Nicodemus dela Cruz Jr., may asawa, ng Block 10, Lot 9, Phase4, Straus Street, North Olympus Sub­division, Barangay Kaliga­yahan, Quezon City. Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautistang Manila Police District-Homicide Sec­­tion, dakong alas-12:00 nang ma­­tagpuan ang bangkay ng biktima sa Room203 ng Century Pension House saRizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila. Sinabi ng roomboy na si Jimmy Basbas, da­kong­ alas-6 ng umaga nang mag-check-in mag-isa ang biktima na may bitbit na balikbayan box. Sobra na sa oras ang biktima kaya kinatok upang alamin kung mag-e-extend pa ng oras subal­itwalang sumasagot kaya napi­li­tang buksan ng ilang room­boy. Dito na bumulaga sa roomboy ang nakabigting­ biktima sa kisame sa ha­rap­ ng kama. Narekober naman ang suicide note ng biktima, balikbayan box na naglalaman ng mga personal na gamit kabilang na ang kumot at damit. Sa cellphone ng biktima, tinawagan ng pulisya­ ang misis nito na hindi man lamang nabigla sa ka­nilang ibinalita. “Wala lang parang hindi naman nabigla ‘yung mi­sis niya, paranggalit sa kanya, parang pinalayas ito e, kasi dala niya ang mga gamit may mga damit at kumot pa sa kahon, walang malaking pera kundi P15 sa bulsa,” pahayag ni SPO2 Bautista “Sagot lang ‘nung misis ‘e sige ho pupuntahan na lang namin bukas,” dagdag pa ni SPO2 Bautista.
Posted on: Mon, 12 Aug 2013 00:15:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015