OKT NEWS #NAGBABAHANGBALITA 1. 16 probinsiya binayo ni - TopicsExpress



          

OKT NEWS #NAGBABAHANGBALITA 1. 16 probinsiya binayo ni ‘Maring’, Metro Manila lumubog NCR- lub0g sa Baha, 4 patay Ni Joy Cantos(Pilipino Star Ngayon)|Updated August 20, 2013 MANILA, Philippines - May kabuuang 16 na probinsiya ang binayo ng bagyong ‘Maring’ at maging ang Metro Manila ay lumubog sa kanyang dalang malakas na pag-ulan na hatid ng southwest monsoon o hanging Habagat. Sinuspinde ang klase sa paaralan sa lahatng antas sa 16 lalawigan at maging ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila ay kinansela. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Eduardo del Rosario, ang mga lalawigan na nagsuspinde ng klase ay ang Pangasinan, Benguet, Bataan, Zambales, Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Batangas, Occidental Mindoro, Ilocos Norte, La Union, Tarlac, Cavite, Ilocos Sur at Metro Manila. Nagdeklara rin ang NDRRMC ng suspension sa pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila maliban na lamang sa mga ahensiyang ang trabaho ay may kinalaman sa Disaster Risk Reduction and Management. Isinailalim naman sa ‘red alert status’ angtanggapan ng Civil Defense sa CAR para maging handa sa lahat ng oras sanhi ng malalakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng flashflood at landslide. Lumubog naman sa tubig baha ang malaking bahagi ng Metro Manila sanhi nghalos walang humpay na pagbuhos ng malalakas na pag-ulang dulot ng nagsanib na southwest moonson rains at bagyong Maring. NCR lumubog sa baha Sa ulat ni Office of Civil Defense–National Capital Region (OCD-NCR) Chief Director Edgardo Ollet, kabilang sa mga binaha ay ang SM City–Sucat, nakapagtala ng 37 inches o hanggang baywang na baha. Naitala naman sa 20 inches ang tubig baha sa kahabaan ng South Super highway-Buendia. Hanggang hita naman ang tubig baha sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Recto; Morayta at Multinational Village, hanggang tuhod naman sa Sentosa, Macapagal at 10 inches naman sa Batangas Street, Sta. Cruz, Maynila. Hindi naman madaanan ng mga maliliit na behikulo dakong alas-7:45 ng umaga ang Lagusnilad, Burgos, Victoria sa Taft; Ayala, Finance Road at Muralla Street sa Intramuros. Kabilang pa sa mga binaha ay ang Altura, Sta Mesa, Laong Laan at Simon na umabot ng 10 inches ang tubig baha. Sa Lacson, España ay 15 inches; Panay Street, Sampaloc, 20-25 inches na baha; Edsa–Shaw Boulevard underpass ay 8 -12inches; Quirino, Osmeña, 12 inches; España corner Maceda, Maynila, 20 inches; España corner San Diego, Manila, 20 inches; España corner Antipolo, Maynila, 11 inches; Pureza, Manila, 30 inches; V. Mapa, 15-20 inches habang hindi naman madaanan ang tunnel ng Quezon Boulevard sa Maynila sanhi ng mataas na tubig baha. Hindi rin madaanan ng maliliit na behikuloang kahabaan ng Quirino, Taft Avenue hanggang Vito Cruz, Rizal Avenue-Tayuman, Doroteo Jose cor. Rizal Avenue at hanggang tuhod naman ang baha sa Plaza Sta. Cruz patungong Palanca sa lungsod ng Maynila. Sa Makati City nasa 20 inches ang baha sakahabaan ng Pasay Road sa may Paseo de Roxas hanggang Amorsolo; 14 inches sa may kahabaan ng Gil Puyat mula Batangas hanggang South Superhighway at nasa 12 inches naman sa kahabaan ng Gil Puyat mula Medina hanggang Pasong Tamo gayundin ang Brgy. Magallanes sa Chino Roces Extension. Sa CAMANAVA, 10 inches ang lalim ng baha sa Maria Clara, Governor Pascual at Francis, Malabon City habang dumanas rinng pagbaha na 20 inches sa Biak na Bato sa Brgy. Sto. Domingo; Gumamela Street, Brgy. Roxas; Villa España, Araneta Avenue,Brgy. Tatalon pawang sa Quezon City. Ang mga residente sa paligid ng Marikina River sa lungsod ng Marikina ay inilikas naman sa mga evacuation centers. 4 patay Apat katao ang nasawi habang dalawa paang nawawala sanhi ng malalakas na pag-ulan dulot ng southwest monsoon na pinatindi pa ng bagyong Maring. Ang unang biktima ay kinilalang si Franco Pedrito Cawayan, na nasawi sa lansangansa Sitio Caliat, Brgy. Lenneng , Cabugao, Apayao kamakalawa ng hapon. Ang pangalawang nasawi ay si Dome Gamban, 34 anyos at Johnny Gonzales, 15-anyos na sinasabing kapwa tinangay ng baha matapos bumigay ang Tres Cruses Irrigation dam sa Tanza Cavite ganap na alas-8:00 ng umaga kahapon. Nadaganan ng bumagsak na pader at nasawi rin ang 5-anyos na si Austin Betasolo.
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 00:44:21 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015