Obama dadalaw sa ‘Pinas? Agosto 31, 2013 Abante NEWS May - TopicsExpress



          

Obama dadalaw sa ‘Pinas? Agosto 31, 2013 Abante NEWS May posibilidad na bumisita sa Pilipinas si United States President Barack Obama bilang bahagi ng kanyang tour sa Southeast Asian region. Ipinabatid ito ni US Defense Secretary Chuck Hagel sa isang press conference sa Malacañang matapos ang courtesy call at halos isang oras na pakikipag-usap kay Pangulong Benigno Aquino III kahapon ng umaga. Ayon kay Sec. Hagel, pupuntahan ni President Obama ang ilang bansa sa Southeast Asia bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa “rebalance” ng kanilang puwersa sa Asia Pacific. Nang mausisa kung kasama ang Pilipinas sa bibisitahin ni Pres. Obama, sinabi ng kalihim na bahala na ang White House ang mag-anunsyo nito kung kasama ang ating bansa sa bibisitahin at kung kailan ito magaganap. “I spoke with the President and he is very much looking forward to his trip to Southeast Asia and I know that the White House is preparing for that and his meetings, lot to discuss. So again, I’ll leave that to the White House on the specifics,” paliwanag ng kalihim. Kung matutuloy, ito ang kauna-unahang pagbisita ni Obama simula nang maluklok sa puwesto para sa kanyang unang termino noong Enero 2009. OFW FANATIC
Posted on: Sat, 31 Aug 2013 02:23:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015