Oh my Ghost By: Mooh Chapter 4 Dumaan ang mga araw, naubos ang - TopicsExpress



          

Oh my Ghost By: Mooh Chapter 4 Dumaan ang mga araw, naubos ang stock ni philip. Kaya naisip niya mamili habang siya ay pumipili ng mga gusto niyang bilhin. Busy naman si ruth n namimili ng damit, may nakakita sa kanya este may nakita n gumagalaw ang mga damit. Kahit wala naman humahawak. Isang buntis n babae ito. Ng may napili n si ruth agad niyang kinuha ang damit at dadadlhin sana sa fitting room. "AHHHHHHHHHHHHHHH!!"sigaw ng babaeng buntis n kanina ay katabi niya. "oo nga pala multo n pala ako! Naku patay baka mapanganak ito ng kusa"wika niya sa sarili. Napasigaw muli ang buntis n babae ng ibalik ni ruth ang damit. Sino ba naman di matatakot, naglalakad ang damit n wala naman makitang humahawak. Narinig naman ni philip ang sigaw n iyon mula sa wet section, patakbo siyang nagtungo sa dry goods section. Dun niya kasi iniwan si ruth kanina. Kinakabahan siya baka may tinatakot ito. Di nga siya nagkamali isang babaing buntis ang kaharap niya. "agad siyang lumapit sa babaing buntis. "miss anung nangyari?"tanong niya rito. "u....u..ung da...mit...lu..mala..kad mag..isa"takot n wika ng babae. Tinignan naman niya ng masama si ruth. Buti naman hindi ito nakunan, kung hindi naku baka nakapatay n ang multong pasaway n sunod ng sunod sa kanya. "ok lng yan huwag mo n pong isipin"wika ni philip. Nagtataka din siya kung bakit di nakikita ng babae si ruth, nasa misming harap pa niya kanina. Nang kumalma n ang babae, nagpasiya n bumalik sa wet section. Sinenyasan niya si ruth n sumama sa kanya. Mahirap n baka may gagawin n naman itong kalokohan. Habang pumipili na siya ng para sa personal na panganga ilangan niya. Sinamantala naman ni ruth na kunin ang isang bagay n gusto niyang bilhin, isa itong perfume. Napanguhan kasi siya. Mabilis niyang inilagay sa basket ni philip. Para walang makapansin sa kanya. Nang nasa counter n siya. Nagtataka naman si philip bakit may perfume n naisama sa pinamili niya, wala naman siyang binili. Kibit balikat nalang niyang binayaran ang mga ito. Pagdating sa bahay niya. Agad siyang humiga sa sofa. Napagod kasi siya sa pagmimili. "philip pogi asan n ung perfume n binili ko?" "so sa iyo pala un, and correction binili ko! Pera ko ang pinambayad dun!" "oo na, ikaw na babayaran naman kita, alangan naman ako ang magbabayad dun sa cassier noh." "money down!"wika niya sabay lahad ng palad. "oh eto.." "anu to?" "kwintas!!" "alam kong kwintas to, sabi ko momey down, hindi necklase down!" "eh wala akong cash, yan nalang mas mahal pa yan" "saan mo naman nakuha to?" "akin yan nung nabubuhay ako!" "paano mo iyo naitago?" "helow bahay ko to dati, isa yan sa mga binalikan ko dito." "hmmm ok!"wika niya sabay lagay sa bulsa niya ang kwintas. "asan n ung perfume ko?" "nasa sasakyan kunin mo nalang dun wika naman ni philip. Sumunod naman si ruth. Isasara n sana niya ang pintuan ng sasakyan ng may napasigaw. Narinig naman ni philip ang sigaw n iyon kaya agad siyang lumabas. Matamang tinititigan ng kapit bahay niya ang isang bote n lumulutang. Mabilis niyang inagaw ito kaya ruth. At saka bumalik ulit sa loob ng bahay. "ikaw multo ka, wala ka ng ibang ginawa kundi manakot!" "wala naman akong tinatakot eh" "next time huwag k ng humawak ng mga bagay bagay sa labas. Dito sa loob pwede pero kapag nasa labas ka huwag kng humawak ng kung anu anu dun natatakot ang mga tao, dahil di ka nila nakikita. Ang tanging nakikita lng nila ay ung bagay n hawak mo kaya sila napapasigaw!"mahabang paliwanag ni philip. "ok boss!" Pumunta n si philip sa kanyang kwarto at dun nalang magpahinga. Maistress lng sya sa babaeng multo n pasaway. Agad naman siyang nakatulog pagkahiga niya. Pagmulat ang mga mata niya. Napansin niya si ruth n natutulog din sa tabi niya at nakayakap sa kanya. Dahan dahan siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Habang umiihi siya. Winiwish niya n sana wala sa loob ng banyo si ruth. Mahirap n baka kung anu naman kalokohan ang pumasok sa utak nun. Pagkatapos umihi, naghilamos n din siya at saka matamang tinititigan ang sarili sa salamin. "gwapo k na!!"wika ni ruth n nasa likod pala niya. Nagulat naman siya, pero di na siya napasigaw. "ikaw next time, magsalita ka kapag tatagos ka sa pader naintindihan mo?" "opo boss!!" "labas na!" "ikaw din lalabas na?" Di siya sumagot, lumabas nalang siya ng banyo at nagtungo sa kusina para kumain. Mooh
Posted on: Tue, 23 Jul 2013 20:14:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015