On and off na suplay ng kuryente dahilan ng malaking sunog sa - TopicsExpress



          

On and off na suplay ng kuryente dahilan ng malaking sunog sa North Cotabato Tinupok ng malaking apoy ang tahanan ng isang Jun Yabot sa Talisay Street Brgy Poblacion 1 Midsayap North Cotabato dakong alas 3:20 ngayong hapon.Ayon sa may-ari ng bahay na si Yabot na bago nagkaroon ng sunog ay nasa loob sya ng kanyang bahay at lumabas dahil sa sobrang init pagkatapos magka-brownout,ngunit ilang minuto lamang nakalipas ay biglang lumiyab ang malaking apoy sa loob ng tahanan nito.Agad naman nagresponde ang mga pamatay sunog sa bayan ng Midsayap at De Rose of Manila Shopping Center, wanter tanker at nagtulungan ito para apulahin ang apoy,makalipas ang mahigit kalahating oras ay nakontrola ng bureau of fire and Protection (BFP) ang sunog at di na ito kumalat sa mga katabing bahay at tindahan. Ang On and Off na suplay ng kuryente ang tinitingnan ng pamilyang Yabot sa pagkasunog ng kanilang tahanan.Sa kasalukuyan ay nakakaranas ng siyam na oras na brownout araw-araw ang lalawigan ng North Cotabato at Maguindanao dahil sa pagbaba ng suplay ng kuryente mula sa Mindanao Grid o nararanasang krisis sa enerhiya.Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP Midsayap para matiyak ang pinsala at dahilan ng sunog.
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 01:20:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015