P-Noy kay Pacman: Sa BIR ka, wag media war Mismong si - TopicsExpress



          

P-Noy kay Pacman: Sa BIR ka, wag media war Mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang naggiit na hindi hina- harass ng administrasyon si boxing champion Manny Pacquiao kaugnay sa kinakaharap na kaso sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Sinabi ni Pangulong Aquino na walang dahilan para gipitin nila ang Pinoy ring icon at ginagawa lamang ng BIR ang trabaho sa pagbubuwis. Ayon kay Pangulong Aquino, kung tama ang ginawa ni Pacquiao ay tiwala siyang mareresolba nito ang problema at maidedepensa ang sarili. Kasabay nito, pinayuhan din ni Pangulong Aquino si Pacman na huwag makisangkot sa media war. Hindi raw mareresolba ng media ang kanyang problema at sa BIR siya dapat sumagot. So if he has—if he did right, then Im sure he will be able to prove that he did right, and therefore there is no issue. So the way to settle it is to answer all of these queries by the BIR and not to engage in a media war. The media will not decide who is right or wrong, di ba? It will be our courts eventually, if it gets to that, who will decide. But, again, the process has been two years, ani Pangulong Aquino. Sinasabing maliban sa mga bank assets, inako na rin ng BIR ang legal claim sa magarbong bahay ni Manny sa Forbes Park sa lungsod ng Makati. Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares na bahagi ito ng security interest ng gobyerno kaugnay sa kinakaharap na P2.2 billion tax case ng Filipino ring icon. Paliwanag ng opisyal, bagamat maaring parentahan ni Pacquiao ang kaniyang lupat bahay, hindi umano niya ito maaaring ibenta. Renting it out is no problem. Selling it, he can. The only problem is whoever buys it, buys it with that lien on the property, ayon kay Henares. Maalala na napaulat noong 2011 ang pagbili ni Manny sa nasabing house and lot sa halagang P388-million. Noong Hulyo, una nang nag-isyu ng warrant of distraint and levy ang BIR sa mga bank accounts ni Pacquiao. Muli namang iginiit ni Henares na mareresolba lamang kaso kapag nasunod ni Manny ang hinihingi sa kaniya ng batas. Sa Pacquiao ay naghamon sa pamunuan ng BIR na magpakatotoo sa pagpataw ng freeze order laban sa kanyang mga kayamanan dahil sa umanoy hindi pagbayad ng buwis. Ito ang sinabi ni Pacman sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kasunod ng pahayag ni Henares na hindi totoong lahat ng kayamanan ni Manny ay apektado ng kanilang warrant of garnishment sa halip ay nasa P1,100,000 lamang ang apektadong halaga. Pero ayon kay Pacquiao, hindi totoong nasa P1 milllion lang ang apektado dahil maliban sa account ng kanyang misis ay pati ang accounts ng kanilang mga negosyo ay apektado ng garnishment order ng BIR kayat hindi umano sila makagalaw ng sariling pera. Mariin namang itinanggi ng 8-division world champion na hindi ito nakikipagtulungan sa BIR kaugnay ng sinisingil na buwis sa kanyang mga laban sa Estados Unidos, dalawang taon na ang nakaraan. Ayon kay Pacquiao, hindi kasi kinikilala ng BIR ang kanyang kopya nang magbayad ito ng nasa P100 million buwis sa Internal Revenue Service (IRS) sa Amerika dahil ang mismong original o authenticated copy ang kinakailangan ng tanggapan ni Henares. Dagdag pa ng kongresista, hindi nila maibibigay ang orihinal na kopya sa BIR dahil hindi nito nagbigay ang IRS. Dahil dito, ibinigay umano ng kampo ni Pacman sa BIR ang website ng IRS at ang control number ng kanyang pagbayad ng buwis sa Amerika ngunit wala umanong nangyari. Hinaing pa ng kongresista, bakit napakahigpit sa kanya ng BIR samantalang kung hindi siya nagbayad ng buwis sa Amerika ay maaring nakakulong na siya ngayon. Bagamat ayon kay Manny makikipagtulungan pa rin ito sa BIR lalot ayaw nitong makikipag-away. Naniniwala si Pacman na may halong pulitika ang isyu niya sa BIR ngunit wala naman aniyang kinalaman dito ang Pangulong Aquino. Sa kabila ng isyu ay tuloy umano ang pagbibigay ng tulong ni Pacquiao sa mga kababayang apektado ng kalamidad sa Eastern Visayas at maaring gagawin ito sa darating na araw ng Sabado.
Posted on: Thu, 28 Nov 2013 09:28:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015