P1 patong sa bigas, lalatay Hindi pa man nakakabangon sa - TopicsExpress



          

P1 patong sa bigas, lalatay Hindi pa man nakakabangon sa kaliwa’t kanang dagdag sa singil sa tubig, kuryente at produktong petrolyo ang taumbayan ay panibagong sakit sa bulsa na naman ang ina­ asahang mararamdaman ng taumbayan. Ito ay sa kadahilanang hindi malayong magpataw ng dagdag na P1 kada kilo ng bigas ang mga negosyante sa mga pamilihan sa buong bansa partikular sa Metro Manila. Paliwanag ni LPG Marketers’ Association (LPG-MA) partylist Rep. Arnel Ty, walang ibang dapat sisihin sa pagtaas sa presyo ng bigas kung hindi ang bagong panuntunan sa truck load. “We don’t want rice prices to go up. It is bad for consumers. When rice prices increase, the prices of other prime commodities also climb,” sabi pa ni Ty. Sa ilalim ng bagong panuntunan sa truck load limit, ang 22-wheeler truck-trailer na nauna na aniyang pinayagan na magdala ng 700 hanggang 800 sako ng bigas sa bawat biyahe ay maaari na lamang ngayong payagan na makapagbiyahe ng 480 hanggang 530 sako. Tanging si Agriculture Sec. Proceso Alcala lamang aniya ang pag-asa ng taumbayan para hindi mangyari ang pagtataas sa presyo ng bigas kung saan nakatakda ang kalihim na makipagdayalogo sa mga freight industry leaders at rice suppliers sa Hulyo 15 para talakayin ang nasabing panuntunan. Samantala, sa usapin pa rin ng price hike, tiniyak kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakatutok ang ahensya sa presyuhan ng mga pangunahing bilihin, partikular ang mga gulay at iba pang agricultural products na apektado ng panahon ng tag-ulan. Mahalaga umano na kung mayroon mang paggalaw ay kailangang ito ay makatwiran o may sapat na basehan at hindi nasasamantala. ANOnline Admin Rapista
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 07:00:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015