P8M na utang sa kuryente ng city government ng Kidapawan, - TopicsExpress



          

P8M na utang sa kuryente ng city government ng Kidapawan, paiimbestigahan Abot sa mahigit sa P8 Milyong piso ang di nabayarang utang ng city government ng Kidapawan sa kanilang kuryente sa Cotabato Electric Cooperative o Cotelco. Ito ang napag-alaman mula kay Councilor Lauro Taynan, ang may hawak ng Committee on Energy sa Sangguniang Panglungsod sa isinagawang Kapihan Kamakailan sa AJ Hi-Time, Kidapawan city. Maging si Taynan ay nagulat ng malaman nitong lumubo sa higit sa P8M piso ang di nabayaran ng city government sa cotelco, dahilan kung bakit nito paiimbestigahan sa SP, gayung mula 2010-2013 ay ilang resolusyon na rin ang kanyang naipasa hinggil sa supplemental budget para sa pambayad ng kanilang electric bills. Kaugnay nito, humiling na ngayon ng kopya ng mga dokumento ang opisyal sa Accounting Office at budget hinggil sa bayarin ng city government sa kanilang electric bills mula taong 2010. Sa ipinadalang sulat ni Cotelco General Manager Engineer Godofredo Homez, umaabot diumano sa P8,043,605 ang bayarin ng city government. Sinabi ni Homez na mapipilitan silang putulan ng kuryente ang city government sa Setyembre 16 sa sandaling hindi sila makapagbayad. Nabatid pa na ang nasabing bayarin ay minana lamang ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa dating alkalde na si Rodolfo Gantuangco na siyang bise alkalde ng lungsod sa ngayon Kumikilos na diumano si Mayor Evangelista upang maresolba ang naturang problema.
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 01:21:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015