‘PAG TUMINGIN KA, PATAY KA! Ni Cherk Almadin “Pag tumingin - TopicsExpress



          

‘PAG TUMINGIN KA, PATAY KA! Ni Cherk Almadin “Pag tumingin ka, patay ka!” Ito umano ang seryosong banta ng suspek sa biktimang si Victoria Jolane, 27-anyos, dalaga, taga-Tugatog, na naging sunud-sunuran at walang magawa habang nililimas ang humigit kumulang sa P80,000 halaga ng cash at scratch cards, pati wallet, cellphone at kuwintas ng biktima. Ayon kay Jolane, binubuksan pa lamang niya ang kandado ng lotto outlet nang bigla siyang sunggaban at kaladkarin ng isang lalaki papasok ng establisimyento, bandang alas-9:20 ng umaga kahapon. Pagpasok sa loob ng outlet ay saka umano siya tinutukan ng baril sa ulo ng suspek at inutusang buksan ang vault. “Hindi ko po siya matignan dahil babarilin niya ako kaya takot na takot po ako, hindi ko po natignan nang maigi ang itsura niya,” ayon kay Jolane nang makapanayam ng Abante hinggil sa itsura ng suspek. Nang makuha na ang pakay ay agad nitong kinuha ang lubid sa kanyang bitbit na bag at iginapos ang biktima. Tinakpan niya ng masking tape ang bibig at tumakbo na papunta sa isang motorsiklong may naghihintay na lalaki rin at nagsilbing look-out at mabilis na pinaharurot ang motor para tumakas. Mabuti na lamang at may isang customer na naghihintay sa labas ng lotto outlet na nakarinig sa malakas na kalabog sa loob at dito nakita ang nakataling biktima na agad na nagsumbong sa pulisya. Bagama’t nangangapa sa pagkakakilanlan sa mga suspek, patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para mahuli ang mga ito. abante.ph/issue/aug0113/crimes01.htm
Posted on: Thu, 01 Aug 2013 03:00:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015