PAGASA Weather Forecast (Tagalog) 10/30/2013 Ang mga lalawigan - TopicsExpress



          

PAGASA Weather Forecast (Tagalog) 10/30/2013 Ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela at Aurora ay makararanas ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin na may maalon hanggang sa napakaalong karagatan. Ang lalawigan ng Quezon, Kabikulan, Silangang Kabisayaan at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at ang natitirang bahagi ng Gitnang Luzon at Cagayan Valley ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mahinang pag-ulan. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa nalalabing bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilagang-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Posted on: Wed, 30 Oct 2013 02:47:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015