PAGASA weather forecaster Fernando Cada on DZRH: Re: - TopicsExpress



          

PAGASA weather forecaster Fernando Cada on DZRH: Re: Weather -Nakita kaninang umaga na ang LPA ay kasaluluyang nasa layong 960 km. sa silangan ng southern Mindanao. Ibig sabihin nito ay nasa loob na ng PAR. -Sa ngayon ay wala pa itongh direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa at pautloy na imo-monitor sa susunod na oras. -Ang umiiral ngayon ay ang tinatawag na mahinang hanging habagat na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon. Kya nag porbinsya ngh Zambales, Bataan, Batangas, Mindoro, Palawan, kasama ang Surigao at davao Oriental ay mgakaakroon ng maulap na papawirin na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan, pagkidlat at pagkulog. -Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay magiging maganda ang panahon, subalit pagsapit ng hapon o sa gab I ay nandyan iyong mga biglaang pag-ulan na dulot ng thunderstorm. -Mataas pa rin nang alon ng karagatan, lalo na sa baybaying dagat na malapit sa western seaboard ng Northern at Central Luzon na kung saan napaka-alon ng karagatan ang inaasahan sanhi ng pagbugso ng hanging habagat na naimpluwensyahan ng bagyong Jolina na papuntang China. -Pinapayuhan ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot sa mga nabanggit na baybaying dagat dahil medyo napakadelikado at kailangan ang ibayong pag-iingat kung ang maglalayag ay malalaking sasakyang pandagat. -Sa ngayon nag LPA ay halos nasa 960 km. pa rin sa land mass ng Pilipinas, partikular sa southern Mindanao na ibig sabihin ay malawak pa ang kanyang open waters sa karagatan, kaya may posibilidad siyang madevelop na tropical depression.
Posted on: Fri, 02 Aug 2013 09:50:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015