PANAWAGAN KO SA AKING MAHAL NA ASAWA JAN SA OMAN (Sanay - TopicsExpress



          

PANAWAGAN KO SA AKING MAHAL NA ASAWA JAN SA OMAN (Sanay matulungan nyo ako na maka SHARE nyo ang PAG MAMAKA AWA KUNG ITO sa aking Mahal na asawa upang makarating sa kanya ang mensahe kung ito para sa amin at sa aming limang mga anak) BrodAnwar Makakena, Isang napakagandang gabi po sa inyong lahat,at sa marami mong mga taga subaybay sa bawat sulat na dumadaing ng kanilang mga prblema sa buhay,lumapit po ako sa inyong lahat upang mag patulong sa inyo tungkol sa malaking prblema kung ito na naging dahilan ng aking minsang pag kakasakit dhl sa sobrang pag iisip ko sa aking mahal na asawa,halos hnd na ako makatulog sa bawat gabing dumadaan,at hnd na rin makakain sa bawat oras lalot nakikita ko ang aming limang mga anak... Isa po akong lalake na may asawa at lima ang aming mga anak,mahal ko po ang aking asawa at mga anak,at mahal din po ako ng aking asawa kayat kht minsan hnd kami nagkaroon ng prblema sa aming pag sasama sa isang maliit at munting tahanan,sama sama po kami sa hirap at ginhawa ngunit dhl sa hirap ng buhay napag isipan ng aking mahal na asawa na makapunta ng ibang bansa upang matulungan nya ako sa pag papaaral sa aming limang mga anak,ayaw ko ring magkakalayo kami ngunit dhl ito na ang karamihang takbuhan ng mga taong mahirap sa buhay kayat pumayag na rin akong makapunta sya sa ibang bansa... Hanggang sa dumating na sya sa bansang Oman,at noong una masaya kaming lahat kasama ng aming limang mga anak lalot kapag pinapadalhan nya ng pera ang aming mga anak sa kanilang pag aaral kht papaano malaking tulong na rin ito sa akin,ngunit nitong nag daang mga buwan labis na akong nagtataka sa aking asawa dhl tinawagan nya ako na ang sabi nya sa akin ay mag hanap na daw ako ng mapapangasawa dito sa atin,ngunit hnd ko po naisip ang mag asawa dhl naka tuon ang isipan ko at oras ko sa aming mga anak na kanyang naiwan dito sa atin,hanggang sa niyaya nya akong makipag hiwalay ng hnd ko alam kung ano ang dahilan? Hnd po ako pumayag na makipag hiwalay sa aking mahal na asawa dhl wala nmn po kaming away o tampuhan man lang,kayat ayaw kung mag kakahiwalay kami lalot may lima na po kaming mga anak,hanggang sa tumawag sya ulit sa akin na UMIIYAK? ayun sa kanya humihinge sya ng tawad sa akin,dahil may ibang lalake na raw na nag mamahal sa kanya jan sa Oman at nahulog na daw ang kanyang loob dito sa lalakeng ito,at tanggap din daw ng lalake na may lima na syang mga anak,at mula noon hnd KUNA MAKONTAK ANG AKING ASAWA at sabi pa nya HND NA RAW SYA UUWI dito sa atin at ako na lang daw bahala sa aming mga anak, Tayan ko? sana mabasa mo ang SULAT kung ito para sayo,sobrang mahal kita,halos nadurog mo ang aking puso,wala sagabing hnd ikaw ang nasa isipan ko,madalas masama ang pakiramdam ko dahil sa kakaisip ko sau,sana mahal mo pa rin ako tulad ng dati,kawawa ang mga anak natin at alam ko patapos narin ang kontrata mo jan sa amo mo,sana maisipan mo pa kaming balikan dito sa atin dhl hanggang ngayon nag hihintay parin kami sayo kung kailan ka muling babalik,at sa mga nagawa mo sa akin kht na sobrang sakit man ito na halos ikakamatay ko ay magagawa ko paring PATAWARIN KITA SA IYONG PAGKAKASALA ALANG ALANG SA ATING LIMANG MGA ANAK... Mahal na mahal ko ang mga anak natin,at mahal na mahal parin kita at laging umaasa na sana isang araw ay magbalik kana sa piling ko,hnd kana ba naaawa sa amin ng mga anak mo?Tayan ko? ibalik natin ang dating pag mamahalan natin noon na masaya kasama ng ating mga mahal na mga anak,umuwi kana dito at sana hnd maging dahilan ito ng aking malubhang karamdaman na malagay sa kapahamakan dhl hnd ko kakayaning makita ko ang ating mga anak na wala na silang mga magulang,napapatawad po kita sa mga nagawa mong pag kakamali ang pinakamahalaga sa akin ay ang muling mabuo ang ating masayang pamilya At sa lahat ng makabasa sa SULAT kung ito sana po matulungan nyo akong mai SHARE nyo ang sulat kung ito,upang makarating sa aking mahal na asawa ang PAG MAMAKA AWA KO SA KANYA NA SANAY BUMALIK NA SYA DITO SA AMIN UPANG MULI KAMING MAG KAKAPILING NG AMING MGA MAHAL NA MGA ANAK,Tayan ko halos pinatay muna ako sa mga ginawa mo pero dhl hangang ngayon ay mahal pa rin kita TANGGAP ko at NAPAPATAWAD parin kita alang alang sa ating mga anak.... Ang TANONG ko po ay? 1.ANO PO BA ANG DAPAT KUNG GAWIN PARA MAKA UWI NA ANG MAHAL KUNG ASAWA DITO SA ATIN? 2. PAANO KO BA SYA MAKONTAK?hnd na sya nakokontak at hnd na rin kami nakakapag usap? Nag mamahal, Abi.... Sa lahat ng aking mga kaibigan sana matulungan natin na MAI SHARE ITO para makarating kay Tayan ang Sulat ni Abi....maraming samalat po.. SHARE...Kung gusto mong makatulong...sa ating mahal na sender..
Posted on: Tue, 19 Nov 2013 14:15:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015