PANAWAGAN: PLEASE SHARE AND HELP US KAPATID... Magandang Umaga - TopicsExpress



          

PANAWAGAN: PLEASE SHARE AND HELP US KAPATID... Magandang Umaga po, gusto lang po sana naming humingi ng tulong sa paghahanap ng aking nawawalang kapatid na si Mary Joy Gallego Sapa, 27 y/o. Siya po ay nagtrabahaho bilang OFW sa Kuwait ng dalawang taon at nakatakdang umuwi nung Sabado, June 15, 2013. Ito ay base lamang sa huling pag-uusap namin nung May 30, 2013 ng sinabi niya na siya ay uuwi na dahil tapos na ang kontrata niyang dalawang taon. Hindi na siya nagbigay ng ibang detalye ng pag-uwi niya kaya hindi din po namin siya nasundo. Inaasahan namin siyang dadating ngunit hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa rin namin siya nakikita. Nung Martes, June 18, nagpunta ako sa Manila International Airport (Terminal 1) sa may Taft Ave. upang magtanong kung talagang nakarating siya dito sa Pilipinas sa petsa na sinabi niya (June 15). Ang sinakyan niyang eroplano ay Emirates Airlines, na may flight details na nalaman namin sa MMML Recruitment Agency ay KUWAIT TO DUBAI Flight No. EK872 ticket number 1764734384226C1 (oras ng dating 14:15/ DUBAI TO MANILA Flight No. EK336 ticket number 1764734384226C2 (oras ng dating sa Maynila ay 7:05am) at doon ako nagtungo upang magtanong. Nalaman namin na dumating ng June 14, 2013 si Ate Joy, taliwas sa sinabi ng kanyang amo sa Kuwait na si Madam Abeer na aalis ng June 15 sa kanya si Ate Joy. Ng makuha ko ang detalyeng ito ay nagtungo ako sa Police Airport, upang humingi ng tulong. Sinabi ko ang aking nalaman at gusto ko sanang humingi ng tulong upang humingi ng CCTV record ngunit sinabihan nila ako na ang record nila ay tinatabi lang ng isang araw kaya hindi na nila marerecover ang record nung araw ng pagdating ng aking kapatid. Gusto ko sanang ireport na missing ang aking kapatid ngunit sinabihan nila akong hindi pa nila puedeng ireport na MISSING ang aking Ate dahil kakareport ko lang daw. Tinuro nila ako sa OWWA upang doon ako magtanong at ireport ang pagkawala. Ngunit sinabi nila na hindi lahat ng OFW ay dumadaan sa kanila, liban na lamang kung sila ay may problemang pisikal o mental na dinanas sa ibang bansa. Nagtungo din ako sa HO ng OWWA dahil tinuro nilang doon ako magpunta ngunit pareho ang sinabi nila. May kumausap din sa aking nagngangalang Kaka De Leon at matapos malaman ang sinabi kong problema ako sinabihan na hindi na nila aaksyonan ang reklamo ko dahil ayon daw sa Emirates Airlines, nakauwi na ang kapatid ko. Pinapunta din ako sa isang opisina dun din sa OWWA kung saan may listahan ng mga taong hindi pa nakakauwi sa pamilya nila ngunit wala ang pangalan ng kapatid ko. May pinafill-up na form sa akin kung saan magrerequest ako na papuntahan ng Phil Embassy sa Kuwait ang bahay ng amo ng aking Ate upang malaman ang totoong petsa ng alis niya at wala na siya talaga doon sa bahay ng amo niya. Sana po ay matulungan ninyo kami, matatanda na aking magulang, at may sakit pa ang aking ama at labis na nag-aalala sa kaligtasan ng aking kapatid. Hindi rin po kami masyadong maalam sa mga ahensiya na lalapitan upang ilapit ang aming problema kaya naisipan ko pong subukang lumapit sa inyo. Kalakip po nito ang larawan ng aking Ate Joy. Umaasa po akong matutulungan niyo kami, at maraming salamat po. Gumagalang, MARIALYN G. SAPA Contact Nos. 0908-3461167 / 0932-8555807 Office: 895-1777 loc 1324 / 1322 — PLEASE SHARE NYO MGA KAPATID. KAPAMILYA KO PO SYA.. Pwede nyo din ako E message pag Kilala at Nakita nyo sya...salamuch.
Posted on: Thu, 27 Jun 2013 19:40:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015