PARAAN PANO MAG-MOVE ANG BABAE. Kapag nagmomove on ang mga - TopicsExpress



          

PARAAN PANO MAG-MOVE ANG BABAE. Kapag nagmomove on ang mga babae. - - 1st month. *. HIRAP AT SAKIT. Dito yung buwan na halos hindi na alam ng mga babae ang gagawin nila. Hindi nila alam kung pano sila magsisimula ulit ng bago. Gulong gulo sila sa buhay nila. Sobrang lungkot nila palagi, tapos parang wala palagi sa sarili. Nakakabaliw. Nakakabobo at higit sa lahat, nakakatanga. Para silang bata na walang kamuang- muang. Araw araw umiiyak yan. Kulang na lang magpakamatay na. 2nd month. *.PASAKIT NG PASAKIT. Oo ha bang tumatagal, pasakit ng pasakit yan. Diyan na sila mas lalo maiinis sa sarili nila. Itatanong nila kung bakit ganito, bakit ganyan. Madaming tanong.Bakit ang bilis niya magmove on? Bakit sakit parin? Bakit mahal na mahal na mahal ko parin siya? Minsan nga bumabalik ka pa sa pagiging tanga, kinakausap mo parin siya kaya mas lalong bumibigat yung nararamdaman mo. 3rd month. *. PAGIGING BITTER. Dito na nila marrealize kung bakit ang tanga tanga nila.Magpaparinig na yan sa mga status at GM niya. Madalas palaging makikinig sa mga malulungkot na kanta. Kung ano anong papasok sa isipniyan. May mga tanong pa yan na, Bakit ko kaya nagustuhan yun? Ang pangit pangit niya naman. Pero deep inside, mahal mo parin siya kahit na ganon. Binabalot lang ng galit yung puso mo dahil sa mga nangyari. 4th month. *. PAGTANGGAP. Dito naman nila marrealize na muka silang tanga dahil sinasayang pa nila yung oras nila sa mga wala namang kwentang bagay. Diyan na papasok sa isip nila na mag-enjoy na lang. Diyan na sila magpaplano ng mga pwedeng gawin para malibang yung sarili nila. Diyan na bumabalik ang matinong pag- iisip nila. Mas nagiging mature na. At unti unti ng tatanggapin kung anumang mga nangyari at ibabaon na lahat sa limot. 5th month. *. PAGIGING OKAY. Dito na sila makakaramdam ng pagbabago. Bigla nalang nilang mararamdaman na wala na silang pakeelam. Wala na silang pakeelam kahit ano pang nangyayari sa ex nila. Hindi na nila tinitignan pa yung blog, twitter o facebook. Nagsawa na sila. Napagod na maging malungkot ng madaming buwan. Wala na silang pakeelam kasi ayaw na nila magpakatanga pa dahil nakakasawa na maging tanga. 6th month. *. TULUYANG PAGMOMOVE ON. Dito na yung stage na kung saan makakamove on na sila. Mas masaya na sila sa buhay nila ngayon. Mas naliwanagan na sa lahat ng pangyayari. Mas tanggap na lahat kahit pa na hindi nila nagustuhan ang ending. Mas nagiging better na at mas mature na mag- isip na kailangan na tanggapin kung anumang nangyari noon. 7th month. *. PAGIGING NORMAL ULIT. Siya na ulit yung dati. Yung babaeng palaging masaya at walang pinoproblema. Yung babaeng mas gumanda kasi nasaktan. Mas gumanda kasi nakamove on na. Mas gumanda kasi natuto na. Tatawanan niya nalang lahat ng nangyari. Balewala na lang lahat. Kaya niya na ulit ngumiti na parang hindi siya nasaktan. Ganyan ang babae magmove on. Matapang na harapin lahat. Kakayanin kahit na durog na durog na sila. Alam ko hindi nama lahat ganito pero KARAMIHAN eh matapang at marunong magmove on ng malinis. May mga babae rin namang mas kinakaya na magmove on sa mabilis na paraan. May mga babae rin na mas matagal pa sa 7 months OH years. Siguro dahil mas tumagal sila sa stage oh mahal pa talaga nila. like: IKAW at AKO ang MEANT TO BE IAM2B
Posted on: Sat, 29 Jun 2013 00:00:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015