PDAF (Priority Development Assistance Fund) Talagang - TopicsExpress



          

PDAF (Priority Development Assistance Fund) Talagang kontrobersyal ang usapin ng pork barrel. Bakit nga ba pork barrel ang tawag? Nagsimula daw ito sa Amerika bago pa ang civil war noong 1861. Gawain daw ng panginoong maylupa na bigyan ang mga aliping negro ng isang buong bariles na puno ng inasin na karne para hindi agad mabulok dahil wala pang ref noon. At, hahayaan lang ng mga bossing na pag-awayan ito ng mga alipin. Noong unang bahagi ng ika-dalwangpung siglo, dito na nagkaroon ng politikal na gamit – ang pork barrel. tl.wikipedia.org/wiki/Pork_barrel Sa Pilipinas, mainit na debate ang pagbuwag sa pork barrel o may mas mabangong pangalan na (PDAF) - 75 Million para sa mga Kongresista, at 200 Million naman sa mga Senador. Bakit nga ba kailangan ng mga mambabatas ang pondo? E trabaho naman nila ay gumawa ng batas. Ito (pork barrel) palagi ang sanhi ng korapsyon. At eto na nga, pumutok na ang issue na 10 Billion Peso pork barrel scam na pinamunuan ng babaeng (Janeth Lim Napoles) ito. Mukhang naman talagang larawan ng kawalang malay. PDAF! Sa nangyayari ngayon sa politika natin, mukhang kailangan yatang bigyan ito ng panibagong kahulugan… ...P-erang D-i A-abot sa F-ilipino Bayad kasi tayo ng bayad ng buwis. Hindi naman kasi tayo ang nakikinabang. Kasi nga naman ang hilig natin bumoto sa kung sino ang magnanakaw. -------------------- P-uro D-orobo A-ng F-ilipinas (ang Pilipinas ay dating Filipinas noong sakop pa tayo ng España) Paanong paraan? Manghingi lang sa mambabatas gamit ang pekeng N.G.O. --------------------- P-uro D-ummy A-ng F-ront Tutal, mukhang sangkot daw ang ilang kawani ng gobyerno. ----------------------- P-inondohang D-epartment A-y F-ake 10 Bilyong Piso? Ang laki ah…ang daming pwedeng paggamitan nun lalo na para iangat ang edukasyon sa Pilipinas. ------------------------ P-ag-aaral D-apat A-y F-ree ------------------------- Lalong tumindi ang galit ng taong bayan nang kumalat din ang anak na si Jean Napoles at ang magarbong pamumuhay sa Amerika - may porchse, sosyal na condo at, pa-party-party na lang. Si Jean Napoles daw ay parang First Lady ang dating. Sabi nila pinaghirapan lang daw nila ang perang ginamit nila na galing daw sa helitimong negosyo na gaya ng coal. P-analong D-atong A-y F-abulous Sarap talaga ng may raket ano? Di lang sa kongreso, kundi pati na rin sa Bureau Of Customs. ------------------------- Sa Bureau Of Customs… …P-alagi D-ito A-y F-iesta Ruffy Biazon youtube/watch?v=X_bux0PdUxE ---------------------------- Mismo ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay hindi handang buwagin ang pork barrel. At, ang mga pinuno ng Senado at Kongreso ayaw pa-imbestigahan ang pork barrel scam. Ano na nga ngayon ang mangyayari? P-ilipinas D-i na A-asenso F-orever! ^_^
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 08:52:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015