PINOY DINADAMPOT SA KUWAIT Abante News Online June 14, 20133 Ni - TopicsExpress



          

PINOY DINADAMPOT SA KUWAIT Abante News Online June 14, 20133 Ni Aries Cano Pinagdadampot at pu­wersahang binibitbit ng mga awtoridad ang ilang Pinoy sa Kuwait kaugnay sa isinasagawang crackdown laban sa mga illegal resident sa nasabing bansa. Bunsod nito, bumuo ng isang special task force ang Embahada ng Pilipinas at Philippine Overseas Labor Office (POLO) para maalalayan ang overseas Filipino workers (OFWs) sa gitna ng malawakang crackdown ng Kuwaiti authorities laban sa mga illegal resident sa naturang bansa. Inihayag ni Philippine Charge d’Affaires Atty. Raul H. Dado na nagtatag ng special task force ang Embahada ng Pilipinas matapos makatanggap ng mga report na may mga kababayang puwersahang binibitbit ng mga awtoridad sa kabila ng pagkakaroon ng legal residence status. “We have created this special task force to address specifically the concerns of OFWs amid the ongoing crackdown and to allay their fears with all the circulating stories of arrests and detention of some Fili­pinos,” pahayag ni Dado. Na-trauma Isa sa mga nagkaroon ng traumatic experience kaugnay ng isinagawan­g crackdown sa Salmiya kamakailan ay ang isang ina at ang 14-anyos nitong anak na babae. “Guys in blue uniform kicked and destroyed our door and they forcibly entered our house at around 4:30 in the morning on June 10. We were all shocked as we are all sleeping. We were four in the house, two ladies, my daughter and I. They asked for our civil IDs and we gave them but when he saw the civil ID of my daughter who is under visa 22 and my dependent, the police wanted to take her out of the house,” pahayag ni Noreen, (hindi tunay na pangalan) sa panayam ng local press sa Kuwait. Ipinaliwanag ng ginang sa lalakeng nakasout ng kulay asul na uniporme na ang kanyang anak ay isang estudyante pero hindi ito nakinig at kinaladkad ang dalaginding palabas ng bahay. “If you take her, I’ll go with you. I will not leave her without me, over my dead body,” sabi pa ng ginang sa sumalakay na awtoridad. Isang Pinoy naman ang dumulog din sa embahada nitong Martes matapos na diumano’y puwersahang tangayin mula sa kanyang bahay kasabay ng isinagawang random house-to-house checking sa Hawally bandang ala-una ng mada­ling-araw nitong Hunyo 10. “They opened the door by force and destroyed it. They took my civil ID and my mobile phone. Six of us were cramped at the back of the police car and they took us to the Mishref police station,” pahayag ng Pinoy na itinago sa pangalang Gerald. Matapos i-check sa computer ay nadiskubreng may valid residence si Gerald pero idinetine pa rin ito at pinakawalan lamang makalipas ang walong oras. Ikinasorpresa rin nito nang makita ang kanyang mukha na nakabalandra sa crime page ng isang local newspaper at kasama sa mga tinutukoy na illegal residents. Huwag mag-panic Bunsod sa mga pangyayari, inabisuhan din ni Dado ang mga Pinoy sa Kuwait na maki­pag-ugnayan sa embahada at tumawag sa embassy hotlines: 559-52909 or 651-84433, in case of an emergency,” ayon pa sa opisyal.
Posted on: Fri, 14 Jun 2013 03:44:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015