PNP-REGION 6, NAKA-HEIGHTENED ALERT MATAPOS ANG SERYE NG - TopicsExpress



          

PNP-REGION 6, NAKA-HEIGHTENED ALERT MATAPOS ANG SERYE NG PAGPAPASABOG SA CDO AT COTABATO Naka-heightened alert ngayon ang Western Visayas Region kung saan matatagpuan ang kilalang tourist destination na Boracay. Ayon kay Philippine National Police-Region 6 Director Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., bagamat wala na man silang natatanggap na banta na posibleng maiugnay sa anggulo ng terorismo, maigi na aniyang maaga na silang nakahanda. Sinabi ni Cruz na bahagi ito ng preemptive measure sa gitna na rin ng serye ng pagpapasabog sa Cagayan de Oro City at Cotabato City. [M. Tanbio | C. Barrientos (Patrol 21)]
Posted on: Thu, 08 Aug 2013 04:27:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015