POLICE REGIONAL OFFICE 2 PRESS RELEASE No. 0905-04 - TopicsExpress



          

POLICE REGIONAL OFFICE 2 PRESS RELEASE No. 0905-04 Authority: PCI ANDREE CAMHOL- ABELLA Chief, Regional Public Information Office Tel: (078) 304-0074 Email: pio.pro2@yahoo Website: policeregionaloffice2.org Date: September 05, 2012 Taiwanese fisherman huli sa paglabag sa fishery law Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City – Huli ang isang Taiwanese fisherman matapos mangisda sa baybaying bahagi ng Ditarem Island, Itbayat, Batanes noong araw ng Martes. Kinilala ang suspek na si Tsai Po, 54 taong gulang, may asawa, residente ng Taiwan Hshien, Pintung Taiwan. Nagpapatrolya noon dakong 4:00 ng hapon noong ika-3 ng Setyembre ng kasalukuyang taong ang pinagsanib na pwersa ng Itbayat Police Station at Bantay Dagat nang mamataan ang bangka ng dayuhang mangingisda na may tatak na CTR-PT 3512. Kaagad na hinuli si Po ng mga awtoridad matapos lumabag sa fishery law. Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang bangka nito at ang compressor na ginagamit sa pangingisda. Nasa kustodiya ng Batanes Police Provincial Office ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 87 ng RA 550. Kaugnay nito, ipinag-utos ni PRO2 RD PCSUPT ATTY. RODRIGO PURISIMA DE GRACIA na paigtingin pa ng mga awtoridad doon ang pagpapatrolya sa mga baybaying sakop ng Batanes. “Hindi titigil ang inyong kapulisan na ipatupad ang batas para protektahan ang ating likas-yaman at hulihin ang sinumang dayuhan na nagtatangkang mangisda sa ating mga karagatan,” diin ni DE GRACIA.
Posted on: Fri, 06 Sep 2013 06:04:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015