PRESS RELEASE August 22, 2013 Bagong ambulansya at patrol car - TopicsExpress



          

PRESS RELEASE August 22, 2013 Bagong ambulansya at patrol car naibigay na ni Mayor Evangelista sa CDRRMO at City PNP KIDAPAWAN CITY – Binasbasan at nai-turn over na kanina ang dalawang bagong sasakyang pinangako ni City Mayor Joseph Evangelista sa ilalim ng kanyang Public Safety Plan. Kinapapalooban ng dalawang Misubishi L300 Van FB ang mga sasakyang gagamitin bilang ambulansya ng CDRRMO at Patrol Car naman ng City PNP. Pauna lamang ang mga ito sa dagdag pang mga dalawang L300 vans na darating sa Kidapawan City dalawang linggo mula ngayon. Dinasalan ni Fr. Nicanor Valiente, DCK ang mga sasakyan kasama na ang naunang tatlong Honda XR 200 na ginagamit na ng City PNP at Traffic Management Unit sa ngayon. Nagbunga na rin ang pagpupunyagi ng alkalde na mabigyang tugon ang kakulangan ng ambulansya at patrol vehicle ng otoridad. “Malaking tulong ang mga ito sa panahon ng emergency at agarang pagtugon kontra kriminalidad”, wika pa ni Mayor. Bahagi ng mahigit sa dalawang milyong pisong pondo mula sa CDRRMC ang ginasta ng City LGU sa pagbili ng naturang mga bagong L300 vans. Fully loaded ang dalawang sasakyang nabanggit lalo na ang ambulansya na may sariling oxygen tank, stretcher, at medical and emergency kits. Kapwa may sirenang nakakabit sa ibabaw ang dalawang mga sasakyan. Matapos ang pag-aalay ng dasal at pagbasabas ni Fr. Vallente ay agad inbinigay ng alkalde ang bagong ambulansya sa CDRRMO at ang bagong Patrol Car naman kay City PNP Chief Col. Leo Ajero. Sinaksihan ni City DILG Director Ging Kionisala at iba pang City LGU officials ang blessing at turn over ceremonies ng naturang mga sasakyan na ginanap pasado alas nuwebe ng umaga kanina sa labas ng Operations Center ng City Disaster Risk Reduction and Management Office. Matapos ang turn over ni Mayor, agad ng ginamit ng City PNP ang kanilang bagong patrol car samantalang on standby naman at naghihintay ng emergency call ang bagong ambulansya ng CDRRMO sa istasyon nito. #source #LKOasay @cityinformationoffice
Posted on: Fri, 23 Aug 2013 05:35:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015