PRESS RELEASE August 7, 2013 Mga otoridad naka alerto, bomb - TopicsExpress



          

PRESS RELEASE August 7, 2013 Mga otoridad naka alerto, bomb drill isinagawa KIDAPAWAN CITY – Naka-alerto na ang otoridad sa lungsod laban sa ano mang uri ng terorismo matapos ang magkakasunod na pambobomba sa Cagayan De Oro, Cotabato City at Midsayap kaninang madaling araw. Kahapon ng hapon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng City PNP, Army Explosive Ordnance Division, Bureau of Fire Protection at City LGU Traffic Management Unit ang isang simulated bomb drill sa harap ng City Hall bilang pagsasanay sa kahandaan ng Kidapawan City . Inutusan na ni Mayor Joseph Evangelista ang mga otoridad na doblehin ang presensya nito sa mga matataong lugar lalo na pagsapit ng peak hours. Ayaw ng alkalde na mangyayari sa Kidapawan City ang nangyari sa mga nabanggit na lugar na pwede namang maiwasan kung seryoso lamang ang pagpapatupad ng seguridad at pagmamasid ng mamamayan. Nagpasabog ng maliit at mahinang Improvise Explosive Device ang Bomb Squad ng PNP at Army sa tapat ng City Gymnasium hudyat ng pagsisimula ng bomb drill. Ikinagulantang ng mga empleyado at kliyente ng City Hall ang pagpapasabog kung kaya at agad na tumungo sa blast area ang mga otoridad. Madaling na cordon ang lugar ng pinangyarihan ng pagpapasabog sa layuning ilayo ang mga tao dito. Agad din na hinarangan ng TMU at mga BPAT ang rutang papasok at labas ng City hall sa mga sasakyan samantalang isinagawa naman ng PNP SOCO, K9 Units ang pagsisiyasat sa blast site. Naroon agad ang fire truck ng City BFP na naatasang pamatay sunog bunga ng pagpapasabog. Bagamat kunyari lamang ang pagsasagawa ng bomb drill, tiyak na mas komplikado hindi hamak ang sitwasyong dadalhin nito kapag totohanang nangyari, ayon pa kay City PNP Chief Col. Leo Ajero. Bagamat nakahanda ang otoridad, hindi malayong mangyari ito sa Kidapawan City kung magiging maluwag ang pagpapatupad ng seguridad sa mga pangunahing lugar na maraming tao, paliwanag pa ng hepe ng kapulisan. Kakaiba umano ang nangyaring pagpapasabog ng IED sa Cotabato City kamakalawa, ayon pa sa mga otoridad, dahil isinilid ang pinaniniwalaang C4 sa isang sasakyan na nasa rutang dinaanan ng mga biktima. Mas komplikado ang ganitong klaseng pagpapasabog lalo na at mas mapinsala at nakakamatay sa higit na nakararami. Sa evaluation na isinagawa ng otoridad, dapat umanong maghigpit sa pag cordon sa lugar na pinangyarihan ng IED blast sa layuning mailayo ang mga tao sa isa pang pagsabog. Malimit kasing may secondary explosion na nangyayari upang ilihis ng mga terorista ang otoridad at lumikha ng mas ibayong kasiraan at pagkawala pa ng mas maraming buhay. Nasa siyam na ang bilang ng nasawi sa roadside bombing na nangyari kamakalawa ng hapon sa panulukan ng SInsuat Avenue , Cotabato City ayon na rin sa pagsusubaybay ng otoridad. Target umano ng pagpapasabog ang convoy ng kapatid na babae ni Cotabato City incumbent Mayor Japal Guiani, ayon pa sa mga reports. Ikinasugat naman ito ng mahigit tatlumpong iba pa. Nangyari ang pagpapasabog sa panahon ng Ramadan at isang buwan matapos magpalabas ng travel advisory ang mga bansang Amerika , Australia at Canada sa kanilang mga mamamayan na iwasan muna ang pagpunta sa ilang lugar sa Mindanao . Mahigpit ang pagkondena sa naturang pangyayari maging sa Facebook at ilan pang social networking sites sa Internet. Nangyari ang pagpapasabog sa Cotabato City mahigit isang linggo lang ang nakakalipas mula ng pasabugan ng IED ang isang kilalang restobar sa Limketkai Mall sa Cagayan De Oro City na nag resulta sa pagkamatay ng walo katao at pagkasugat ng maraming iba pa. #source #LKOasay @cityinformationoffice
Posted on: Wed, 07 Aug 2013 03:29:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015