Paano nga ba patagalin ang isang relasyon? •Siguraduhin mo na - TopicsExpress



          

Paano nga ba patagalin ang isang relasyon? •Siguraduhin mo na hindi matatapos ang araw nya na malungkot sya. Humanap ka ng paraan kung pano mo sya mapapangiti kahit na gaano ka pangit ang araw nya. •Element of surprise. Mag effort ka naman kahit minsan na surprisahin sya. Di naman kailangan bongga, kahit nga yung maliit lang basta yung alam mo na ikatutuwa nya. •Panataliin ang kilig factor. Siguraduhin mo na di mawawala sa kanya ang kilig feeling every time na mag kausap kayo. Baka kasi di mo namamalayan sa iba na pala yan kinikilig. Magka corny/chessy ka rin kahit paminsan-minsan. •Huwag hahayaan matapos ang araw na wala kayong communication sa isat-isa. Kahit na gaano ka pa kabusy, maglaan ka ng kahit na maikling oras lang para maitext or matawagan sya. Kahit simpleng pagtanong lang kung kumusta sya ay ikatutuwa na nya yun. At least alam nya naalala mo sya. •Wag iaalis ang everyday routine mo simula palang nung nanliligaw ka. What I mean by that is yung mga araw-araw mo na ginagawa simula palang nung nanliligaw ka pa. Tulad ng pagtext mo sa kanya pagkagising mo sa umaga. Pag papa alala sa kanya na wag nya kakalimutan kumain. Basta yung mga ganun bagay. Hahanap-hanapin nya kasi yun. •Kulitan factor paminsan-minsan. Kailangan din yan minsan para marelax kayo. Minsan kasi masyado ng nagiging seryoso lalo na pag parehas kayo may problema na pinagdadaanan kaya laging nauuwi sa away ang isang maliit na bagay lang. Try nyo mag kulitan minsan para makalimutan nyo yung kung ano man na iniisip nyo at ienjoy lang ang moment nyo together. •Unlimited sharing of stories. Naniniwala ako na isa to sa mga ways para manatili syang inlove sayo kasi nagiging open ka sa kanya. Nakikita nya na may tiwala ka sa kanya kaya willing ka i-share sa kanya ang lahat. And in a way, mararamdaman nya na importante sya talaga sayo kasi sa kanya mo napili magkwento ng kung anong storya man ang meron ka. •I-maintain ang friendship. Di naman dahil mag syota na kayo eh iniwan nyo na ang stage ng pagkakaibigan. Tandaan na bago kayo naging magkasintahan, dumaan muna kayo sa pagiging magkaibigan. Minsan maganda rin kasi na dapat andun parin yung idea na magkaibigan parin kayo. Mas magaan sa pakiramdam na mag share at mag sabi ng kung anong tunay na sinasaloob. •Mahalin sya sa paraan na hindi nya inaakala. Minsan kasi napre-predict na kung ano ang katatakbuhan ng relasyon eh. Kaya nga find a way na maiba ang kung ano man ang impression na meron sya sa relasyon na meron kayo. Prove mo sa kanya na may mas maibubuga ka pa. Some tips lang naman yan. Marami pang pwedeng idagdag pero para sakin yan na yung ilan sa mga bagay na dapat mo tandaan para mapatagal ang relasyon na meron ka sa partner mo. Wag mo rin kakalimutan na kahit gaano pa karaming tips ang mabasa, makuha, gamitin, i-apply sa relationship nyo pero kung ang partner mo naman ay hindi willing na patagalin ang relasyon nyo, di rin yan magwowork. Dapat parehas kayong may tiwala na magtatagal kayo hangang huli kahit na gaano kahirap. Kailangan parehas kayong willing mag effort. Never mag wowork-out ang isang relasyon kung isa lang sa inyo ang gumagawa ng paraan para matakbo at mapatagal ito. Kupido
Posted on: Wed, 11 Sep 2013 08:22:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015