Pag-inom ng tubig, solusyon sa diet Ni Divina Gracia - TopicsExpress



          

Pag-inom ng tubig, solusyon sa diet Ni Divina Gracia Lutrania Part I PAGOD ka na ba sa dami ng mga ipinapayong pampapayat, at tila wala ka namang oras na pwedeng ilaan sa pag-eehersisyo? Ngayon na ang panahon upang pansinin mo ang mga bagay na karaniwang matatagpuan sa iyong kapaligiran. Nakababawas ng pagkagutom ang tubig. Ito ang ipinahayag ni Mara Vitolins, RD., P.H., isang propesor ng public health sciences (epidemiology) sa Wake Forest University Baptist Medical Center. Ayon sa kanya, mahirap ipaliwanag ang pagka-uhaw sa pagkagutom. Subukan daw na uminom ng tubig at maghintay ng 20 hanggang 30 minuto at obserbahan ang sarili kung gutom pa rin. Part II Nakababawas ng calories Karamihan sa mga tao ay umiinom ng softdrinks, kape at iba pang inumin at talaga namang nakakalimutan at binabalewala na ang pag-inom ng tubig. Ito ang dahilan kung bakit mas tumataas ang calorie intake. Karamihan sa mga inumin ay mayroong caffeine. Ang caffeine ay nagsisilbing diuretic na siyang nagiging sanhi ng dehydration. Sa panahong nauuhaw ang isang tao, siya ay dehydrated na. Mahalagang nutrient ang tubig at mahalaga ito sa pagkilos ng katawan. Tumutulong din ito upang mailabas ang dumi sa katawan ng tao. Ang tubig din ang nagdadala ng nutrisyon at nagpapa-ayos ng temperature ng katawan. Tumutulong din ito upang mabawasan ang fluid retention, at tumutulong maging normal ang pagdumi. Part III Sapat na tubig Ayon kay Vitolins, isang paraan upang mabilang kung gaano karami ang tubig na dapat inumin at upang mabawasan ang timbang ay sa pamamagitan ng pagkuha ng timbang. Saka ito hatiin sa dalawa. Ang resulta ay siya ring
Posted on: Tue, 03 Sep 2013 05:10:22 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015