Pagbabawas sa bilang ng mga nasawi nabuko ng mga reporter (nasa - TopicsExpress



          

Pagbabawas sa bilang ng mga nasawi nabuko ng mga reporter (nasa ibaba ang detalye) Ayon sa mga ulat (na karamihan ay mula sa mga intl news agency) ay umaabot sa mahigit 10,000 libo ang napapabalitang namatay at milyong kababayan natin sa Central Visayas ang nawalan ng tahanan at halos 80% sa kabuuan ng mga naapektuhan ay halos nabura sa mapa ngunit sa opisyal na tala ng kanyang mga tutat alipores ay nasa -3500 pa lamang at ang konsentrasyon ng search, retrieval and relief operations ay nakatuon lamang sa Tacloban samantalang napakarami pa pong lugar na hindi pa napupuntahan. Hindi po kami nagkamali ng hinala na may pagtatago sa numero ng mga namatay ultimo ang naipaskil naming pigura ay yun pala ang bawas ng numero.. mahigit po palang limang libo (ayon lang sa gobyerno). Pati ba naman sa pagbibilang ng mga nasalantat namatay ay may pagbabawas, ano ang palagay niyo botong binibilang? grrrrrrr, tsk! =|-SK-> -------------- Death toll sa ‘Yolanda’ binabawasan MANILA, Philippines - Nabuko ng mga re­porter na nagkokober sa Region VIII o Eastern Visayas (Samar, Leyte) na binabawasan ang bilang ng mga namatay sa bagyong Yolanda. Ayon sa mga reporter na nakita nila sa tally ng bulletin board na 5,016 ang nasawi sa trahedya base sa narekober na mga bangkay, subalit biglang pinalitan ito sa bilang na 3,422. Magugunita na bago ang pagdating ng bagyong Yolanda sa bansa ay unang nang inianunsyo ni Pangulong Benigno Aquino III na target ng gobyerno ay ‘zero casualty’, pero nabigo ito matapos na libu-libo ang nasawi sa Visayas Region partikular na sa Tacloban City, Leyte. Sinibak na rin sa puwesto ni PNP Director General Alan Purisima si Police Regional Office (PRO) 8 Chief Supt. Elmer Soria nang ihayag nito na posibleng umabot sa 10,000 ang nasawi dahilan sa tindi ng pinsala na kung saan sinabi naman ni Aquino na aabot lamang ito sa 2,500. Inulan rin ng kaliwa’t kanang batikos si P-Noy mula sa international community at ng mga dayuhang mamamaha­yag sa pangunguna ni CNN veteran newscaster Anderson Cooper na nagbulgar sa mabagal na pagtugon sa relief operations ng pamahalaan sa mga survivor ni Yolanda. Ang nasabing bilang na 5,016 na itinala ng command center ng Office of Civil Defense (OCD) Region 8 ay opisyal na tala na siya sanang dapat na ipinararating sa punong tanggapan nito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo. Nang hingan umano ng paliwanag ay sinabi ng isa sa mga opisyal ng OCD Region VIII, na kinastigo raw sila ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas dahilan sa pagtatala ng tunay na katotohanan sa death toll at pinapalitan ang bilang sa 3,422 gayong lumagpas na rito ang mga narerekober na bangkay. Sa opisyal namang tala ng NDRRMC, sinabi ni Executive Director Eduardo del Rosario na umaabot na sa 3,621 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda. _______ philstar/police-metro/2013/11/16/1257290/death-toll-sa-yolanda-binabawasan?nomobile=1
Posted on: Mon, 18 Nov 2013 04:47:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015