Pagbasura ng DOJ sa kaso ng 2 suspek sa fertilizer fund scam, - TopicsExpress



          

Pagbasura ng DOJ sa kaso ng 2 suspek sa fertilizer fund scam, baligtarin – NBI by Teresa Carlos Jul 10, 2013 1:42pm HKT HINILING ng National Bureau of Investigation at ng pribadong complainant sa Department of Justice na baligtarin ang ginawa nitong pagbasura sa kasong paglabag sa Art. 267 ng Revised Penal Code o serious illegal detention laban sa dalawang opisyal ng isang kumpanya na iniuugnay sa Fertilizer Fund Scam. Sa inihaing motion for reconsideration ni Atty. Levito Baligod, abogado ng biktimang si Benhur Luy, sa tanggapan ni Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, iginiit nito na nagkamali ang kagawaran sa pagbasura sa kaso noong June 10 nang dahil sa kakulangan ng probable cause. Paliwanag ni Baligod, maliwanag na may pagpigil sa kalayaan ng kanyang kliyente nang aminin mismo ng isa sa dalawang respondent na si Janet Lim-Napoles na siya ang nagsalita na ‘ikulong na lang yan.’ Tinuran din sa motion for reconsideration ang kasong People of the Philippines vs Egap Madsali, et al, kung saan sinabi ng Supreme Court na sapat na ang pagkakaroon ng pagpigil sa kalayaan ng sinuman sa anumang paraan para sabihing may nangyaring krimen. Iginiit naman ng NBI na ang pagdetermina ng probable cause ay hindi nangangailangan ng paggamit ng rules and standards ng pagpapatunay na siyang hinihingi para sa hatol na conviction sa korte. March 22, 2013 nang umano’y iligtas ng 5 ahente ng NBI si Benhur sa condo unit ng respondent na sina Reynald Luy Lim and Janet Lim- Napoles sa Taguig. Batay sa sinumpaang salaysay ng biktimang si Benhur, Dec.19,2012 nang siya’y ikulong ng 2 respondents na may-ari ng JLN Group of Companies dahil sa kanyang mga nalalaman sa multi-milyon pisong Fertilizer fund scam.
Posted on: Wed, 10 Jul 2013 12:26:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015