Paglaya ni Lanuza bitin pa rin Via Abante Online| News WEDNESDAY, - TopicsExpress



          

Paglaya ni Lanuza bitin pa rin Via Abante Online| News WEDNESDAY, July 17, 2013 Kahit na tinanggap na ang blood money ng pamilya ng biktima sa kaso ng overseas Filipino worker (OFW) na si Rodelio ‘Dondon’ Lanuza ay nakabitin pa rin ang paglaya nito, ayon kay John Leonard Monterona, coordinator ng Migrante sa Middle East (ME) atNorth Africa. Ayon kay Monterona, tinanggap na ng aggrieved Saudi family ang blood moneypero ang Tanazul o letter of forgiveness ay hindi pa rin natatapos sapagkat isa sa mgamiyembro ng pamilya ang hindi pa aniya pumipirma. “This is a gross negligence on the part of the Philippine Embassy in Riyadh for failure to ensure that the Tanazul is pro­perly done amid submission of the completed amount of blood money to the Saudi family,” pahayag ni Monterona. Hindi tuloy aniya umusad ang proceedings sa korte dahil wala pa ang Tanazul na kulang ng isang pirma. Nitong Hulyo 15, bandang alas-10:00 ng umaga ay nagtungo sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA)-Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) ang mga kaanak ni Lanuza na nasa Pilipinas para humingi ng paglilinaw kaugnay sa status ng kaso at kung kailan ito makakalaya.(Aries Cano) Unknown
Posted on: Wed, 17 Jul 2013 02:17:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015