Paglobo ng teenage pregnacy sa South Cotabato isinisisi sa social - TopicsExpress



          

Paglobo ng teenage pregnacy sa South Cotabato isinisisi sa social media KORONADAL CITY - Mistulang isinisisi ng Provincial Population Office ng South Cotabato sa social media at cellphone ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga kabataang nabubuntis sa lalawigan. Ayon kay Provincial Population Officer II Romulo Palomo, may malaking pagkakaiba ang mga teenager noon ikumpara sa kasalukuyang henerasyon. Ito ay dahil aniya sa mga internet, cellphone at mga gadgets na maaring makaimpluwensya sa murang edad na pakikipagtalik. Dahil dito, pinangangambahan ni Palomo na kung hindi mamonitor ng mga magulang ang kanilang mga anak may posibilidad na maimpluwensyahan ang mga ito sa mga gawain na hindi pa dapat ginagawa ng may murang edad. Napag-alaman na sa South Cotabato ay may kabuuang 1,488 na mga teenager ang nabuntis sa taong 2012. Bombo Radyo Phils Admin Rapista
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 06:47:57 +0000

Trending Topics



BC) was the founder of
Karl P. Koenigsposted toColorado Tea Party WE DO NOT NEED FEDERAL
Debuting at #5 on the American Billboard Heatseekers chart & #24

Recently Viewed Topics




© 2015