Pang-apat ako sa walo na magkakapatid. Kahit naghihirap kami sa - TopicsExpress



          

Pang-apat ako sa walo na magkakapatid. Kahit naghihirap kami sa buhay ay masaya ang aming pamilya. Mangingisda ang tatay ko at ang aking ina ay nasa bahay lamang siya ang lahat ng gumagawa ng gawain sa bahay. Tawagin nio na lamang ako sa pangalan Jomar, mataas ang pangarap ko. Gusto kung umasenso ang buhay namin at makaahon kami sa hirap. Ilang buwan ng makapagtapos ako ng high-school ay isinama ako ng aking pinsan na babae sa Maynila, ipinasok nia akong boy sa isang lumang luma ng gusali sa tapat ng University of Manila. Inggit na inggit ako sa mga estudyante na araw-araw kung nakikita, naisip ko na lng sana kaya din ng mga magulang ko na mapag-aral ako dito sa Maynila. Ewan ko ba kung bakit hindi ko naisipan na mag-aral dito sa probinsya namin, eh nagkaroon na ng PUP noon na kaumpisa pa lamang noon taong 1993. Ang alam ko lng noon gusto ko eh makapag-aral ako habang nagtatrabaho sa Maynila, gusto ko makapagtapos ako sa sarili kong pagsisikap basta nasa Maynila ako. Lumipas pa ang mga taon na hindi na ako nakapag-aral, nalibang ako sa pagtatrabaho napunta ako ng Tay-tay, Rizal. Nakapagtrabaho ako bilang tagapag-tatak ng mga damit sa isang RTW. Lumipas pa ang mga ilan taon ay ipinasok ako ng ate ko na magsekyu, lady guard siya noon sa Megamall. Una akong nadestino sa gawaan ng tela malapit na sa Antipolo, gusto ko na sana kagad sumuko noong mga panahon na iyon, dahil kada isang oras ay kailangan kung ikutin ang buong ground at may kailangan din laging nun na sususian. Pero sabi ko sa sarili ko kaya ko to, mag-aaral ka diba kaya lahat kakayanin mo. Di nagtagal nalipat ako ng destino sa may Balintawak, mga malalaking sasakyan naman ang binabantayan ko doon, sobrang lungkot kasi wala man lng akong makausap ng mga panahon na un dahil ako lng mag-isa sa malaking compound ng mga sasakyan. Mahigit isang buwan ako dun, hindi na ako pumasok ng muli kung duty sana doon. Nag-awol ako kaya’t naging reserved na ulit ako sa agency namin. Mga ilang araw na paghihintay nabigyan ulit ako ng Posting, Shell Gas Station sa may Balintawak. Naging masaya naman ako doon, marami na akong nakakausap, hanggang sa naramdaman ko na nagugustuhan ako ng kahera. Madalas na isinasama niya ako sa mga baon niyang pagkain. May asawa na siya at mga anak kaya’t naging lihim lng ang aming relasyon, madalas kaming lumalabas at manood ng sine na siya lahat ang gumagastos. Magkasama kami ng ate ko sa bahay na inuuwian noon, umuupa kami ng bahay sa may Agham Road kasama ng kanyang asawa at mga anak. Kumuha noon ang ate ng makakasama sa bahay, siya mag-aalaga ng anak ng ate at magbabantay ng bahay. May asawa na din ito, wala pa silang anak. Ang sabi niya sa akin baog daw ang asawa nia dahil matagal na din sila na nagsasama. Edad 21 ako noon at siya naman ay edad 18, maganda siya at malakas ang appeal niya sa akin. Isang araw na wala akong pasok habang nakabukas ang radio ay sinabayan nia ito ng maharot na sayaw habang nang-aakit ang tingin niya sa akin. Naiinganyo akong sabayan siya hanggang sa napunta kami sa banyo at nangyari ang di namin inaasahan. Naging masaya ang mga araw ko dahil may dalawang babae na nagbibigay sa akin ng kakaibang kasiyahan. Isang gabi, matapos na muli kaming magtalik at katatapos ko lang na makapagsuot ng brief, biglang may sumipa sa aming pinto, ang kanyang asawa huling-huli niya kami sa aming ginawa, dali-dali akong kumaripas ng takbo palabas ng bahay dahil may dala siyang patalim. Mabuti at agad naman siyang naawat ng mga tanod sa Barangay. Hindi na ako bumalik nang bahay nun ng makuha ko lahat ng aking gamit, naghanap na lamang ako ng mauupahan sa may Oliveros. Lumipas ang buwan, buntis na siya noong pumunta siya sa pinag gwardiahan ko. Hindi ako nagpakita sa kanya, kinutsaba ko isa sa gasoline boy para siya ang makausap. Nalaman ko mula sa kanya na buntis ito at ako ang itinuturo niang ama. Ilan beses siyang nagpabalik-balik doon kaya’t naisipan ko na hindi na pumasok. Na awol ulit ako kayat balik na naman ako sa opisina para mag-antay ng panibagong posting. Ilang araw na paghihintay ay napwesto naman ako sa Boni Edsa. Automatic Center ito, isa itong appliances center, reliever lang ako dito. Hiling ko noon sana hindi na pumasok iyong pinalitan ko, malamig kasi dito at maganda din ang pasahod. Bukod pa doon maraming mga empleyado at meron canten na pwede kami makautang ng pagkain. Nagkatotoo ang dasal ko di na pumasok ung pinalitan ko kaya’t tumagal ako doon. Nabalitaan ng mga kababata ko na doon ako ngtatrabaho kaya’t pinapasyalan nila ako. Nung minsan mapunta muli sila kasama na nila ang girlfriend ko. Nagkahiwalay lng naman kami nun dahil noong nag-aaral pa ako eh pilit kaming pinagsama ng mga magulang namin nung nakagalaw ako ng isang babae na kalugar din namin. Ilang buwan din kaming nagsama habang nasa 4th year highschool ako noon. Nagkahiwalay kami matapos niang magalit sa akin dahil ngselos sa kapitbahay namin na pinsan pa din naman namin. Tandang tanda ko pa noong habang nagwawala siya noon, sinuntok niya ang salamin ng aming aparador kaya’t nasugatan siya sa pulso, nagkalat ang dugo niya sa buong kabahayan dahil sa ayaw niya na magpapigil sa pagwawala. Mula noon na muli naming pagkikita, madalas na ako ngpupunta sa bahay nila, madalas kaming lumabas at manood ng sine. Minsan kasama naming mga pinsan nia at mga kababata ko at minsan nagkakainuman din kami sa bahay ng kanyang pinsan. Dumating ang araw na nadelayed siya noon, hindi ko malaman ang gagawin ko. May mga nasabi pa ako noon sa kanya na di niya nagustuhan, hanggang sa nagdesisyon ako na umuwi sa aming probinsya at kasama ko na ang aking girlfriend. Sinabi ko sa mga magulang ko ang tungkol sa kalalagayan naming at dahil doon biglang naplano ang aming pagpapakasal. Isang lingo kami ngseminar sa Munisipyo at nakasal kami sa Sibil. Noong bumalik na kami ng Maynila sa bahay ng mga magulang ng asawa ko kami pansamantala tumira, napalitan na rin ako sa pwesto ko sa aking trabaho kaya’t sa opisina na ako ngreport. Araw-araw ako nakasuot ng uniporm habang nag-aantay ako ng panibagong posting, medyo natagalan ako sa paghihintay. Naisip ko noon anong mangyayari na sa akin, naisip ko na naman ang plano kung pag-aaral, mukhang malabo ng mangyari sabi ko sa aking sarili. Halos dalawang lingo ako naghintay sa opisina, at nabigyan ulit ako ng bagong posting. Na assigned ako sa Greenhills Shopping Center, sa San Juan Manila bilang Trafic Guard sa pedestrian lane ng mall. Halos maubos ang laway ko sa maghapon pito at pagkampay sa mga tao at sasakyan. Sobrang nahirapan ako sa pwesto kong iyon, pero kailangan kung tiisin, hindi na kasi ako binata. Akala ko magkakaron na kami ng anak, ngunit isang araw bigla na lng dinatnan muli siya ng buwanang dalaw. Ang laking dismaya ko sa nangyari, siguro hindi pa lng panahon. Taon ang lumipas nasanay na din ako mabilad sa init at masanay sa aking trabaho. Magkakaron ng alumni ang school namin noon kaya’t nagulat ako ng minsan puntahan ako ng mga ka Batch ko noon, hiyang hiya ako sa mga dati kong kaklase. Nanliit ako sa aking sarili at nakaramdam ako ng inggit sa kanila. Nasabi ko na lng sa kanila na susubukan ko kung makaka attend ako. Ilang buwan pa ang lumipas may isang sasakyan na nalaglag ng pouch bag, habang nagtatrafic ako. Dali-dali kung pinulot iyon at hinabol ko ung nalaglag ngunit mabilis na humarurut ang kanyang sasakyan. Binuksan ko ang laman ng bag, laking gulat ko ng makita ko ang laman ng bag, ilang bundle na pulos limangdaan peso at mga credit card. Nagtalo ang aking isipan kung ano gagawin ko sa napulot ko, hanggang sa ibinigay ko na lamang ito sa aming OIC, kinabukasan pinuntahan ako ng OIC ko at meron siyang kasama. Nagpasalamat ng personal ung may ari ng bag sa akin at inabutan ako ng isang libong piso. Di ko maipaliwanag ang saya ko noon. Itutuloy……..
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 07:02:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015