Para magkaroon ng ‘sharp memory’ Minsan, nakakahiya ang - TopicsExpress



          

Para magkaroon ng ‘sharp memory’ Minsan, nakakahiya ang pagiging makakalimutin. Wala naman eksaktong dahilan kung bakit nagiging makakalimutin ang isang tao. Ngunit ang magandang balita ay mayroon naman remedyo dito. Ayon kay Professor Neal Barnard ng George Washington University School of Medicine sa Washington, D.C., ang utak ng tao ay binubuo ng 100 bilyong nerve cells na tinatawag na neurons. Dahil sa totoo lang ang utak ng tao ay maaaring palakasin kahit pa ikaw ay tumatanda na. Kaya hindi pa huli ang lahat para isabay mo ang iyong utak sa pagtanda. Narito ang ilang paraan para mahasa ang iyong isip at patuloy kang maging matinik: Tamang oras ng tulog – Ayon sa mga eksperto isa sa mga paraan para mapalakas muli ang iyong memory ay ang pagkakaroon ng tamang oras ng tulog. Kapag tulog ang tao, dito nakukuhang magpalakas ng neurons. Kaya kung nais na magkaroon ng good memory, dapat na matulog ng pito hanggang siyam na oras kada araw. Ehersisyo – Ang pag-eehersisyo o anumang aktibidad na nagpapalakas sa iyong puso ay nakakatulong din sa iyong utak. Kapag kasi bumibilis ang iyong heart rate, ang dugo ay mabilis din na dumadaloy sa iyong utak at napapalaki nito ang “hippocampus”, ang bahagi ng utak na responsible para sa pagkakaroon ng good memory. Tumutulong din ito sa utak para magkaroon ng bagong neurons. “Food for thought” – Hindi gagana ang iyong utak kung kulang ito sa bitamina. Kaya mas mabuti kung dadagdagan mo ang pagkain ng mga masusustansiya at nagtataglay ng substance na tinatawag na “anthocyanins” na kilalang brain-booster at antioxidant. Ang substance na ito ay nagbibigay din ng proteksiyon laban sa mga uri ng virus o bacteria na maaaring makasira sa nerves ng iyong utak. Supplements – Kalimutan na ang ginkgo biloba sa isang pag-aaral luma labas na wala naman positibong epekto ang supplement na ito sa memorya ng tao. Ayon kay Lori Daiello, propesor sa Alpert Medical School, mas mainam na inumin ang fish oil dahil nakakapagpababa ito ng posibilidad na magkaroon ka ng dementia dahil sa nagtataglay ito ng DHA, omega-3 fatty acid. Makakatulong din ang pagkain ng salmon at iba pang isdang mataas ang taglay na omega-3 fatty acid. pilya
Posted on: Sun, 29 Sep 2013 05:01:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015