Para sa Broken Hearted “Mabibigla ka nalang paggising niya, - TopicsExpress



          

Para sa Broken Hearted “Mabibigla ka nalang paggising niya, sasabihin niya sayo na hindi ka na niya mahal without any warning.” At ung masakit na part dun ay ung “Without any warning”. Yung tipong binigla ka? Ung para kang sinampal ng isa sa mga tropa mo pero di mo alam kung sino. Ung bang biglang lumubog ung sinasakyan niyong barko sa gitna ng karagatan ng walang abiso habang nagpapakasaya kang mahalin siya. Badtrip yon! Masakit kase di ka prepared sa sakit na pinaramdam sayo. Di ka man lang nakapagbuild muna ng Assault Cuirass bago ka bawiin, masyadong masakit ung bawas sa HP! Pero nandyan na ung sakit. Wala ka ng ibang gagawin kundi iabsorb at damhin lahat para makasurvive ka. Kungpatuloy mo kasing tataguan at iiwasan yan, hindi matatapos yan. Patuloy na darating yan sa buhay mo. Sabi nga ni Augustus Waters sa TFIOS “Pain is demanded to be felt.” Talagang ganyan, pero ang sakit hindi yan permanente. Maaring maramdaman mo yan ngayon pero pag nakalimutan mo na yan lahat tatawanan mo nalang yan. Sa ngayon ang pinakamainam na paraan para makamove on ka sa masakit na departure niya, ay ung ibaling mo ung atensyon sa mga bagay na mas makabuluhan at mas makahulugan. Ibaling mo sa mga bagay na alam mong nabaliwala mo nung nanjan pa ung nangiwan sayo. Bigyan mo munang pagpapahalaga at sapat na appreciation ang sarili mo, pamilya, kaibigan at si God. Mahalin mo muna ng lubos ang sarili mo pag nagawa mo na yon, ang sosobra.. Ilaan mo na sa taong worthy na ng pagmamahal mo. -admin ij
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 08:21:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015