Parang RPG (Role Playing Game) ang Love. Parang laro ang relasyon - TopicsExpress



          

Parang RPG (Role Playing Game) ang Love. Parang laro ang relasyon eh. Laro sa computer, PSP, Brick Game, Atari o kahit ano pang may laro na may mga stage stage. Tipong kapag pumasok kayo sa relasyon parang papasok kayo sa isang seryosong laro. Kayong dalawa yung player, tapos yung problema yung mga stage. Kailangan niyo pagtulungan para malampasan. Yung tipong may role kayong dalawa, para matapos ang isang laro. May unique abilities kayo, at yung abilities na yun eh ang ugali niyo. Kung sino ang magpapakumbaba, sino lagi ang magbibigay, sino ang laging galit, sino ang magpapabigat sa larong ito etc. Kunwari Unang stage eh tampuhan, syempre iisipin nung isa kung paano makakaalis sa stage na ito diba? Ano kaya ang puzzle, syempre mag-iisip ka. May laro bang naiwan ang 2nd o 1st Player? Diba palagi silang sabagay? Diba palagi silang nagtutulungan? So pag nalagpasan niyo yung tampuhan, edi magiging ok at masaya na kayo. Edi syempre parehas na kayong masaya. Pangalawang Stage eh Selos naman, parehas lang rin ng tampuhan, mag tutulungan din kayo para matapos ulit ang stage ng selos. Maaring mahirap, pero kapag nagtulungan kayo sabay niyo ulit matatapos hindi ba? Marami pang stage eh. Nandiyan ang stage ng pagka paranoid, stage ng oras, stage ng pagkukulang sa komunikasyon. Basta, lahat naman ng bagay na mahirap kapag nagtulong eh mas napapadali hindi ba? Huwag mo hayaang siya lang ang gagawa. Hindi uso yung titiisin mo siya. Magkakampi kayo eh. At kung tatanungin mo ako kung paano kapag naghiwalay na yung pumasok sa relasyon? Tulad ng normal na laro. Game Over. Ang mahalaga nag enjoy kayo sa relasyon niyo, tinanggap niyo ito. Sa ganun lang ang kinaya niyo bakit pipilitin pa diba? Panget naman ng pilit na relasyon. Malay mo may susunod na tao, mas magaling sa mga stage na susunod na problema niyo. Malagpasan yung game over stage. Maging kayo habambuhay :) Saya nun hindi ba?
Posted on: Fri, 19 Jul 2013 09:44:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015