Part 4 - Revelations and Heartbreaks Ano sa tingin niyo ang - TopicsExpress



          

Part 4 - Revelations and Heartbreaks Ano sa tingin niyo ang nangyari? He tried commiting suicide. yeah, he did. Uminom siya ng 25 pcs. Na anti-depressant pills ng kapatid niya. Siguro hindi nakayanan yung pag aaway nila ng legal boyfriend niya na si Charles Arabit at ng mutual friend niya na si Mikko Tamura. Since mga bakla din ang mga kaibigan, expect mo na may pagka-bakla din ang matatanggap mong advise which is very out of this world. Have you ever tried asking an advise from a gay friend? The opinion you will get is as good as the facial features of the person. Very unfair kasi inaway ako ni Charles at ni Mikko. Wala naman akong kasalanan ah, bakit nila ako mumurahin? Bakit nila iinsultuhin ang mga kamag-anak ko? Wala naman akong ginawa kundi mabulag sa pagmamahal na pinakita ni Em diba? At alam ko na kahit wala kaming sabihin sa isa’t isa, may nararamdaman kaming pagmamahal. Binisita ko parin si Em sa PGH kahit alam kong nandoon si Charles at si Mikko. Pagka pasok ko sa room, biglang labas noong dalawa na naka taas ang noo. Mga kala mo ang yayaman, mga wala namang binatbat. Tulog si Em noong andun ako. Pero kahit hindi niya ako naririnig, sinabi ko sa kanya na pinapatawad ko siya sa mali niya. Naiintindihan ko naman yung sitwasyon niya, pero sana man lang sinabi niya sakin na may boyfriend pala siya. Ang never kong naintindihan ay kung bakit ako pinagmumura ni Charles at Mikko, kahit sinabi ko sa kanila na wala naman talaga akong alam. Sobrang sakit. Ito kasi yung pinagdasal ko dati eh. Na magkaron ng boyfriend na makaka sundo ko. Na makaka kuwentuhan ko ng buong magdamag. Na araw araw kog nakikita sa school para sorpresahin. Yun nga lang, naka limutan kong ipagdasal na sana walang sabit. Anyway, next time, be careful nalang siguro sa hihingin mo kay lord. Bago ako umuwi, sinubukan kong kausapin si Charles. Nagkausap kami sa corridor sa labas ng room ni Em. Maayos naman ang pag uusap namin, disente at walang halong kasinungalingan. Pinipilit parin niya na ako yung may kasalanan kasi nga parehas kami ng college na pinapasukan. Pinabayaan ko nalang siya kasi tingin ko never nan magbabago yung pananaw niya. Ang nakaka gulat doon, bigla akong hinawakan ni Charles sa pisngi na para bang may pag nanasang halikan ako. Bakit ganun? Anong gusto niyang mangyari? Libog ka ba sakin? Ano to? Pero hindi natuloy kasi may dumaan na nurse. Salamat naman kasi mapapatungan yung kasalanan ko kug nagkataon. Shit. Umuwi na ko at sinabay ako ng kuya at nanay ni Em since on the way naman yung subdivision namin eh. Sa buong time na nasa loob ako ng kotse nila, iniisip ko parin yung overwhelming turn out ng events. It was a baptism of fire kung baga. Gusto kong mamulat mata ko sa kamunduhan diba? I never saw Em again after that. bahaykuboblog.wordpress/2013/03/28/part-4-revelations-and-hearbreaks/ -August
Posted on: Sun, 25 Aug 2013 12:51:33 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015