Philippine Embassy in Riyadh Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia Press - TopicsExpress



          

Philippine Embassy in Riyadh Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia Press Release No. PR-129-2013 Abiso Tungkol sa Assistance Para sa Exit Visa (Riyadh, 06 July 2013) – Patuloy ang tulong na ibinibigay ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa mga Pilipinong nangangailangan ng assistance para sa proseso ng pagkuha ng exit clearance mula sa Jawazat Wafideen. Inaanyayahan ang lahat ng Pilipino na magpunta sa Field Office ng Embahada sa Villa 24 sa Umm al Hammam District para sa pre-processing procedures. Tumugon ang pamunuan ng Jawazat Wafideen (Saudi Deportation Office) sa kahilingan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh para sa pag-proseso ng exit clearance ng mga Pilipino ayon sa extension ng grace period para sa pagtuwid ng status ng mga overstayers sa bansang Saudi Arabia. Ayon sa Jawazat Wafideen, naka-schedule ang mga Pilipino para sa processing ng exit visa sa Wafideen tuwing Miyerkules mula 8:30PM hanggang 2:30AM. Kasama sa naturang schedule ang mga mamamayan mula sa Bangladesh, Indonesia, Nepal at iba pang bansang Asyano (maliban sa India at Pakistan). Ang pag-proseso ay gagawin kasama ang mga itinalagang kinatawan mula sa Embahada ng mga nasabing bansa. Yaon mayroong isa sa sumusunod na requirements ang kabilang sa itinakdang schedule sa Wafideen: Original na iqama; Original na passport gamit pagpasok ng Saudi Arabia; o, May fingerprint records sa Immigration database. Inaanyayahan ang lahat ng Pilipinong nangangailangan ng assistance sa proseso ng pagkuha ng exit clearance na magpunta sa Field Office ng Embahada sa Villa 24 sa Umm al Hammam District mula Linggo hanggang Huwebes tuwing 12:00NN hanggang 5:00PM para sa pre-processing procedures. Ang lahat ng nag-submit ng kanilang dokumento mula Linggo hanggang Martes ay mapapabilang sa endorsement sa Wafideen sa Miyerkules, habang ang iba naman ay isasama sa susunod na Miyekules ayon sa itinakdang quota. Para sa mga Pilipinong hindi taglay ang isa sa mga nasabing requirements, sila ay mapapabilang sa mga isasangguni ng Embahada sa Saudi Ministry of Foreign Affairs.###
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 05:58:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015