Photobucket Akala ng iba na kapag nabuksan ang third eye mo ay - TopicsExpress



          

Photobucket Akala ng iba na kapag nabuksan ang third eye mo ay ora mismo eh makakakita ka kagad ng multo or mga lamang lupa. WRONG notion ito. Ang pagbubukas ng third eye ay gradual at ang degree ng iyong pagiging sensitibo sa mga nilalang o enerhiyang hindi nakikita ng ating mga mata ay nakabase mismo sa iyong kamalayan or level of consciousness. May mga taong mula pa ng bata sila ay sensitive na (pakitain) at meron naman na kahit gaanong meditation at visualization exercises pa ang gawin eh hindi talaga makakita, makaramdam or makarinig ng mga nilalang na hindi nakikita ng hubad na mata. Ako kse bata pa lang eh pakitain na pero dahil duwag ako sa mga mumu kaya laging nakataas ang depensa ng aking rational na isipan sa mga ganitong bagay. Nung college lang ako naging open sa mga ganitong bagay dahil sa aking pagkahilig na rin sa pilosopiya at pag-aaral ng ibat-ibang tradisyong spiritual, relihiyon at paniniwala. Paano ko ba nabuksan ang aking third eye? (note: wala ka talagang literal na mata na bubuksan, ang pagbubukas ng third eye ay nangangahulugang pagpapalawak ng kamalayan or consciousness ng tao kse nga diba meron tayong conscious, subconscious mind at ang supraconscious mind or ang collective consciousness ika ng sa psychology - research mo na lang hehehe kse mahabang usapin ito.) Ganito yon (pero please lang kung hindi ka handa sa mga consequence nito ay wag mo nang subukan man lang o ituloy ang mga binabalak mo sapagkat hindi ito laro or biru-biruan lang). Eto ang mga exercises na ginawa ko para mas maging sensitive ako: 1. Progressive relaxation - Umupo ka or humiga ka, just make sure na ikaw ay comfortable sa pwesto mo pero hindi naman sobra na makakatulog ka na so sobrang pagiging comfortable - Breath in and breath out ng dahan dahan, mag-concentrate sa iyong paghinga hanggang ramadam mo na panatag at malumanay na ang iyong pakiramdam - Pakiramdaman mo ang dulo ng iyong daliri sa paa. I relax mo ang iyong mga daliri sa paa. Kapag relaxed na ito, pagapangin mo ang pakiramdam na ito sa buo mong paa. I relax mo ang buo mong paa. Isunod mong i-relax ang iyong alak-alakan. Pagapangin mo ang relaxation sa iyong mga binti paakyat ng tuhod, paakyat ng hita, paakyat ng beywang, paakyat ng tiyan, dibdib, mga balikat. Pagapangin mo pababa ang relaxation sa iyong mga braso, siko, bisig, kamay hanggang makarating ito sa dulo ng iyong mga daliri. Isunod mo irelax ang iyong leeg, baba, mukha hanggang makarating sa tuktok ng iyong ulo. Relaxed na iyong iyong buong pagkatao. Handa ka na sa mga impresyon na maari mo ng matanggap. - Breath in and breath out at panatilihin mo ang iyong sariling relaxed, walang iniisip na kahit anong bagay at concentrated lang sa pagpasok at paglabas ng hangin sa iyong katawan. Maari kang antukin or mainip o mabagot pero natural lang ito dahil hindi pa sanay ang iyong isipan na maging mapayapa dahil sanay ito sa gulo ng normal na buhay sa materyal na mundo. Kapag nadistract ka, ulitin mo lang ang pagrerelax sa sarili mo. - Gawin mo ito 15 minutes to 30 minutes sa isang araw or most likely bago ka matulog sa gabi kung sobrang busy ang schedule mo. Ang layunin ng exercise na ito ay ihanda ang sarili mo para matutong tumahik, makinig at makiramdam sa mga impresyon o enerhiyang maari mong maramdamdaman. Gawin mo lang ito at makakakita ka rin ng pagbabago sa pananaw mo sa mga bagay-bagay at mararamdaman mong mas tatalas ang iyong pandamdam at pang-unawa.
Posted on: Sun, 10 Nov 2013 15:10:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015