‘Pinas isusubo ng US sa giyera (Bernard Taguinod/­Aries Cano) - TopicsExpress



          

‘Pinas isusubo ng US sa giyera (Bernard Taguinod/­Aries Cano) Kung ang Estados Unidos ay tila urong-sulong sa pagtulong sa Pilipinas laban sa pambu-bully ng China, obligado naman ang bansa na tumulong sa kanila kapag gumanti ang Syria sa pinapla­nong pag-atake ng Amerika sa nasabing bansa dahil sa paggamit umano ng chemical weapon sa gitna ng umiiral na civil war sa nasabing bansa sa Gitnang Silangan. Ito ang lumalabas sa budget hearing ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon sa Kamara dahil nakatali umano ang Pilipinas sa Amerika dahil sa Mutual Defense Treaty (MDT). Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Neri Javier Colmenares, nagbanta ani­ya ang Syria at ang Russia na gagantihan ng mga ito ang mga kaalyadong bansa ng Amerika kapag itinuloy ang pag-atake. Ayon sa DFA, maoob­liga ang Pilipinas na tumulong kapag mayroong umatake sa mga pasilidad ng Amerika sa Pacific Region na sakop ng MDT. Ang Amerika ay may mga pasilidad sa Pacific Region na kinabibilangan ng kanilang naval forces sa Hawaii at military bases sa South Korea at Japan. Samantala, panibagong batch na binubuo ng 23 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Syria ang dumating sa Manila bandang alas-10:55 ng umaga kahapon sakay ng Gulf Air flight GF 154. Inasistehan ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Beirut at Damascus ang grupo ng mga nagsiuwing kababayan.
Posted on: Thu, 05 Sep 2013 23:22:35 +0000

Trending Topics



div>

Recently Viewed Topics




© 2015