‘Pinas lagas agad ng 15 SEAG medals (Ramil Cruz) Malabong - TopicsExpress



          

‘Pinas lagas agad ng 15 SEAG medals (Ramil Cruz) Malabong mapantayan ng Pilipinas ang tinapos na pang-anim na puwesto noong 2011 sa nalalapit na 27th Southeast Asian Games sa Naypyidaw, Myanmar sa Disyembre 11-22. Ayon kahapon kina Philippine Olympic Committee (POC) chairman Tomas Carrasco, Jr. at kapwa SEA Games Task Force member Paul Ycasas ng Philippine Sports Commission (PSC), nalagasan na agad ng 15 gold medals ang mga Pinoy sa 36 na nakamit may dalawang taon na ang nakakalipas sa Indonesia. Anila, ‘di na lalaruin sa taong ito ang baseball, softball, bowling, bridge, fin swimming, fencing, sport climbing at lawn tennis. Dagdag pa ang kakuparan ng POC at mga national sports associations (NSAs) sa pagbalangkas ng national contingent na hanggang ngayon ay nagkukumahog pa rin sa komposisyon. Ito’y sa kabila na ang karamihan naman sa 10 mga karibal ng mga Pinoy ay nagsisipag-training na sa mga sports super powers tulad ng United States, Europe at iba pang bansa na may mga primera klaseng mga pasilidad.
Posted on: Wed, 11 Sep 2013 04:51:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015