Pinay OFW tumalon sa gusali (Noel Abuel) Pinay OFW tumalon sa - TopicsExpress



          

Pinay OFW tumalon sa gusali (Noel Abuel) Pinay OFW tumalon sa gusali Patay ang isang Pinay domestic helper matapos na umano’y tumalon sa bintana ng bahay na pinaglilingkuran nitong Egyptian national sa Al Sahmiya, Kuwait. Nagkalasug-lasog ang katawan ni Love Joy Balagat, 28, may-asawa, tubong Maitum, Sarangani. Ayon sa pahayag ng asawa ng biktima na si Nelson Balagat, bago ang insidente ay maayos nitong nakausap ang misis noong ikalawang linggo ng nakaraang buwan matapos itong isama sa bakasyon ng among babae at lalaki. Gayunman, sinabi ng asawa ng biktima na madalas umano itong nagrereklamo dahil sa hindi pinapasuweldo ng mahigit sa apat na buwan ng pagtatrabaho nito simula pa noong Abril. Humihingi ng tulong ang pamilya ng biktima sa pamunuan ng embahada sa bansang Kuwait sa pangunguna ni charge de affairs Lamberto Monsanto na imbestigahan ang pangyayari sa posibilidad na may ‘foul play’. Sa panayam naman ng Abante kay Department of Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, handa umano ang ahensya na tulungan ang pamilya ng biktima.
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 07:11:33 +0000

Trending Topics



Let your clients find your business quickly. The best search
UM SÁBIO NA TERRA DE GELO Todos os que já passaram por
Sonakshi Sinha -Akshay Kumar hot up the city! The last we saw
do u all agree wit this failure Wenger...... RESPECT: Arsene
FREE GOLD...FREE GOLD...FREE GOLD... SOUND TOO GOOD TO BE TRUE,

Recently Viewed Topics




© 2015