Pinay na bibitayin sa China walang makukuhang benepisyo by Johnny - TopicsExpress



          

Pinay na bibitayin sa China walang makukuhang benepisyo by Johnny Arasga Jul 3, 2013 9:03amHKT HINDI makakukuha ng kahit anong benepisyo mula sa Overseas WorkersWelfare Administration (OWWA) angconvicted Pinay na nakatakdang bitayin sa China. Sinabi ni Vice President Jejomar Binay, ito’y sa kadahilanang undocumented ang nasabing Pinay. Una rito, tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinutugunan ng gobyerno ang pangangailanganng pamilya ng Pinay convict sa Chinahabang naghihintay ang mga ito ng development sa kaso. Ayon kay DFA spokesperson Raul Hernandez, nanatili pa rin sa isang hotel sa Shanghai ang pamilya matapos na mabigyan sila ng pagkakataong makita ng personal ang kanilang kaanak. Sinabi pa ni Hernandez na “last resort” na umano ng gobyerno ang appeal letter ng Pangulong Benigno Aquino III kay Chinese President Xi Jinping na humihiling na maisalba ang buhay ng kababayan. Ang 35-anyos na Pinay ay nahatulang mabitay matapos mahulihan ng 6.198 kilos ng heroin sa Hangzhou International Airport noong 2011. Ate sam
Posted on: Wed, 03 Jul 2013 10:03:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015