Pinay na-cremate na sa China Ni Ellen Fernando (Pilipino Star - TopicsExpress



          

Pinay na-cremate na sa China Ni Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 5, 2013 - MANILA, Philippines - Na-cremate na ang mga labi ng Pinay na bi nitay noong Miyerkules ng umaga sa China.Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Her nandez, nasa China pa ang mga labi ng 35-anyos na binitay taliwas sa lumabas na report na naisama na ng kanyang ina at kapatid sa kanilang pag-uwi sa bansa kamakalawa ng gabi mula Shanghai. Ayon kay Hernandez, pinoproseso pa ang re patriation ng mga abo at hindi pa masabi kung hanggang kailan ito ma iuuwi sa bansa.Nagtungo sa China ang ina at kapatid ng Pinay noong Linggo upang personal na madalaw at makausap ang huli bago siya bitayin. Na bitay noong Miyerkules ng umaga ang kanilang kaanak at umuwi din sila sa bansa dakong alas-8 ng gabi ng nasabi ring araw lulan ng Philippine Airlines flight PR-337 mula Shanghai. Ang nasabing Pinay ay in-execute dahil sa pagpupuslit ng may 6.198 kilong heroin nang masabat sa Hangzhou Inter national Airport noong Enero 25, 2011 kasama ang kanyang 27-anyos na pinsang lalaki na may dala ring 6.171 kilong he roin na pinatawan ng death penalty pero may 2-years reprieve. >mariposa
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 05:26:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015