Pinoy maids na iba-ban sa HK sasaluhin ni PNoy by Kris Jose Nov - TopicsExpress



          

Pinoy maids na iba-ban sa HK sasaluhin ni PNoy by Kris Jose Nov 7, 2013 4:54pm HKT HINDI ilalaglag o pababayaan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Pinoy worker sa Hong Kong partikular na ang Filipino maids na tila nadamay na sa ngitngit ng Hong Kong government sa patuloy na pagmamatigas ni Pangulong Benigno Aquino III na magbigay ng official apology sa nangyaring Manila hostage incident noong 2010. Binigyang diin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr. gagawin ng pamahalaan ang lahat para sa kapakanan ng mga mamamayan lalo na ng mga Pinoy workers na nasa Hong Kong. Nauna rito, ipinanukala ni Hong Kong lawmaker Albert Chan na i-ban ang Filipino maids hanggat hindi humihingi ng paumanhin si Pangulong Aquino sa Hong Kong government dahil sa nangyaring insidente. Ipinanukala rin ng nasabing mambabatas na i-ban ang mga Philippine passport holders na magbabakasyon at iba pang magta-trabaho roon. Nag-demand ang gobyerno ng Hong Kong kay Pangulong Aquino ng official apology nang mapatay ang kanilang 8 kababayan sa nangyaring Manila hostage incident noong Agosto 23, 2010. Subalit nanindigan ang Pangulong Aquino na hindi niya gagawin ang mag-sorry sa Hong Kong government. remate.ph/2013/11/pinoy-maids-na-iba-ban-sa-hk-sasaluhin-ni-pnoy/ #green
Posted on: Thu, 07 Nov 2013 14:51:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015