Pitong signs ng pekeng pag-ibig 1. Papa Cologne Nakikita niyo ba - TopicsExpress



          

Pitong signs ng pekeng pag-ibig 1. Papa Cologne Nakikita niyo ba yung commercial sa t.v, di ba kapag gumamit ka daw ng axe na pabango lahat ng babae lalapit sayo, lahat sila magkakandarapa sayo kahit mukha kang kabayo o mukha kang aso haha biro lang, masyado kang seryoso eh. Parang ganoon ang pekeng love, siyempre dahil sa attraction, nagiiba ang pagtingin mo sa isang tao. Hindi lang sa amoy kundi higit pa sa nakikita ng mga mata natin. Nagustuhan mo siya dahil maputi ang ngipin niya, maganda ang kutis at maganda ngumiti, at kung isa ka naman avid fan ng korean pop stars malamang magkakagusto ka sa mga mukhang koreano na singkitan ang mata.Pero once na makita mo ang negative traits niya, kunwari mabaho ang hininga o kaya hindi naliligo agad na aayawan mo na siya. 2. Kisap- Mata Infatuation starts and ends fast. Bakit kasi nagbabago ang nararamdaman ng mga infatuated, una may spark, una halos ipagsigawan ang nararamdaman nila sa isa’t isa, merong handang tawirin ang pacific ocean at akyatin ang bundok ng everest at handang makipag gera sa china para lang sa nararamdaman nila pero kapag nagkaproblema, konting away lang , pinalalaki pagkatapos sasabihin “Ayawan na! ayawan na! ayawan na!” Parang bata lang na naglalaro ng taya tayaan o tagu taguan, aayaw na ang bata kapag siya lagi ang taya, uuwi na ng bahay at bukas maghahanap ng ng ibang kalaro. Parang ganyan ang mga infatuated, kapag ayaw na sa isa hahanap na ng iba. Pero di nila alam, paikot ikot lang sila, naka 100 gf/bf na hindi pa rin nahahanap ang tamang tao para sa kanila , paano hindi seryoso eh. 3. The Crazy 4 You Syndrome Ito yung tipong weird ka na yata, crazy for that person, wala ka nang ibang alam kundi magdaydream , ang gulo na ng bahay mo, ang gulo ng ng kuwarto mo, hindi ka pa naglilinis ng bahay, wala ka ng damit na maisuot hindi ka pa naglalaba! Kahit saan ka tumingin mukha niya ang nakikita mo. Naalala ko noong bata pa ako, highschool yata noon, yung bestfriend ko nagkagusto din sa babaeng nagugustuhan ko, bumili kami ng notebook para isulat doon yung nararamdaman namin para sa babaeng yon, minsan drawing minsan tula, minsan kanta , naalala ko pa nga yung mga nakalagay doon, “mahal na mahal kita, maghihintay ako kahit kailan, sana mapansin mo ako, puwede ka bang ligawa kasi crush kita, baliw na baliw na ako sayo” at dahil sa super duper crazy ko noon, nawala ako sa top ranking students lahat ng titser ko tinanong ako kung anong nangyari paanong hindi ka tatanungin eh alagang alaga ko ang grades ko noong 1st year to 3rd year tapos lalagapak lang pala ako sa bandang huli, napabayaan ko ang pagaaral ka dahil sa letseng infatuation na yan. 4. Ikaw Lang at Ako, Tayong Dalawa (You and Me against the World) Ito naman yung tipong mag-on na kayo (puwedeng i-turn off) . Umiikot ang buhay niyo sa isa’t isa lamang. Hindi niyo na magawang sumama sa barkada mo o pamilya mo dahil kay boypren or girlpren, kailangan magpaalam ka pa kay boypren or girlpren kung puwede ka bang sumama, tapos minsan kapag sinabi ng kaibigan mo sa boypren mo na puweng ka bang hiramin muna eh magagalit agad tong si boypren o girlpren kasi pati kaibigan pinagseselosan, gusto niya kayong dalawa lang. Hindi sila mapaghihiwalay ng kahit na sino. Makikita mo yan sa daan na magkasama at HHWWPSSP (Holding hands while walking pa-sway sway pa). Yung mga dating ginagawa mo hindi mo na ginagawa dahil nga may beloved ka na. Pero wag naman ganun pati pamilya mo at kaibigan mo na sandalan mo kapag nasaktan ka pinabayaan mo na. 5.Kailangan Kita Ngayon at Magpakailanman Kung peke ang love, madali itong mawawala kapag nagkahiwalay ang makapartner. Mababaw ang pundasyon ng relasyon dahil nakatuon sa pisikal na aspeto.Kung hindi na nakikita , nahahawakan o nakakausap ang partner, unti unti ng nawawala ang “feelings, hanggang sa mawala na ang interes para sa isa’t isa. Meron akong naalala noon yung ex-girlfriend ko which is first girlfriend ko, malayo kami sa isa’t isa. Antipolo ako, Laguna siya pero hindi naging hadlang ang layo namin sa isa’t isa. Natandaan ko noon ang sinabi sa akin ng isang kaibigan ko. Sabi niya hindi niya daw kaya na malayo sa taong mahal niya, yung tipong hindi niya nahahawakan at nakakausap pero sabi ko naman, malayo nga ang katawan niyo sa isa’t isa pero parang magkapit bahay lang ang puso niyong dalawa kung tunay ba yang pagmamahal na nararamdaman mo para sa kanya. Tumagal kami ng dalawang taon na ex ko, naghiwalay din kami dahil naramdaman ko na nawawalan na siya ng interes sa akin pero ganunpaman hindi nawala ang pag-ibig na naramdaman ko sa kanya simula ng nagkakilala kami. Kaya kung ikaw pakiramdam mo eh manlalamig ka na kapag wala siya sa tabi mo , eh baka iba na yan , baka init lang ng katawan yang hanap mo, pumunta ka sa shower room at mag hot bath ka para di ka lamigin. 6. Kung Ayaw Mo Huwag Mo Madaling masira ang isang relasyon dahil sa pride ng bawat isa, at dahil self centered nga at makasarili laging sarili mo ang iniisip mo. Hindi lang nagreply galit ka na agad, Hindi lang nag “i love you too” tampo ka na agad, yun bang mga maliliit na bagay pinalalaki mo, porque ba hindi nag i love you too hindi agad mahal?, porke ba ayaw niya muna eh hindi ka na niya mahal hindi ba puwedeng magpahinga muna? parang Ako muna bago ikaw! wala kang karapatang magreklamo dahil ikaw ang girlfriend ko, hello hindi girlfriend ang tawag diyan, alipin. Minsan signs din ng healthy relationship ang pag-aaway pero hindi naman yung ganito na masyadong selfish. Maghanap ka ng aso ayun susundun lahat ng gusto mo . Ang palagiang pagaaway ay nagiging lamat sa isang relasyon, nawawalan ng tiwala at interes sa isa’t isa at kung gusto ng makipagbreak ng isa ay ok lang sa kanila dahil no big deal. 7. Akin ka Lang Ito ay parang sweet pakinggan sa pandinig ng isang infatuated, akin lang siya, akin ka lang! kunin mo na ang lahat sa akin wag lang ang aking mahal. Tandaan hindi iisang tao lang ang nagpapaikot sa buhay mo at saka hindi mo siya pag-aari kahit asawa mo siya o girlfriend , kailanman hindi siya magiging iyo dahil kay Lord siya ok? Huwag masyadong possesive dahil signs yan ng pekeng love mo para sa kanya. You love him/her for your benefit not for her benefit! Ang hirap kasi kapag “crush” mo na yung kaharap mo, siyempre kinikilig ka tapos hindi mo magawang makipagkilala ng pormal dahil alam na niya na may gusto ka sa kaniya at may iba ka pang motibo. Kaya mas maganda kung madedevelop from friendship talaga, atleast may pundasyon ang pagmamahalan hindi tulad ng nagsimula sa isang crush eh mahirap ihandle dahil “best foot forward” lang ang mangyayari , pacute dito, pacute doon , hindi mo maipapakita ang tunay na ikaw dahil natatatakot ka na layuan ka niya kung saka sakali na madiskubre niya ang tunay mong paguugali.
Posted on: Wed, 24 Jul 2013 12:48:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015