●/ Pizza parlor sa Pasig hinoldap;P200,000.00 na kita - TopicsExpress



          

●/ Pizza parlor sa Pasig hinoldap;P200,000.00 na kita natangay /▌ / Written by Anne Soberano Published in Latest News Sunday, 08 September 2013 15:17 Aabot sa mahigit P200,000.00 kita ng pizza parlor ang natangay ng mga holdapers ng holdapin ito ng tatlong armadong lalaki sa may bahagi ng Brangay Kapasigan, Pasig City. Batay sa isinagawang inisyal na imbestigasyon ng Pasig PNP nabatid na pinasok ng tatlong armadong lalaki ang Greenwich Pizza at kinuha ang buong kita ng pizza parlor. Inihayag ng mga biktima na tinutukan sila ng baril kasama ang guwardiya. Ayon sa Pasig PNP bukod sa kita ng pizza parlor, nakuha rin ang baril ng guwardiya at ang cellphone ng manager. Sa ibinigay na deskripsyon ng mga biktima, nakasuot umano ng itim na jacket ang mga suspek na mabilis tumakas patungo sa may bahagi ng Taguig. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/21397-pizza-parlor-sa-pasig-hinoldap-p200-000-00-na-kita-natangay#sthash.gKKkH1Od.dpuf
Posted on: Sun, 08 Sep 2013 10:30:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015