Plano ng Pilipinas na kumpletuhin ang pagbibili ng 12 fighter jets - TopicsExpress



          

Plano ng Pilipinas na kumpletuhin ang pagbibili ng 12 fighter jets na nagkakahalaga ng P18.976 billion mula sa South Korea ngayong taon. Inihayag ni Pangulong Benigno S. Aquino III na nagkasundo ang dalawang gobyerno na bilisan ang pagbili ng isandosenang FA-50 lead-in jets sa kanilang pagkikita ni President Park Geun-hye sa Blue House noong Huwebes. “We are just finalizing the procurement (of the jets) both in their laws and our laws. The details are long but bottom line, both sides agreed to try and expedite the arm purchase and the delivery of these planes,” sabi ng pangulo sa media interview noong Huwebes ng gabi. Sinabi ni Aquino na palalakasin ng pagbili ng mga bagong military plane ang kakayahan ng Philippine Air Forces sa pagbabantay sa kalawakan ng bansa. “Your expertise to fly jets are slowly fading away so the purpose of this lead-in fighter is to maintain our ability to fly jets, at least for the Air Force to fly jets,” wika ni Aquino. Noong nakaraang Huwebes, nilagdaan ng Pilipinas at Korea ang defense cooperation agreement na magpapahintulot sa pagpapalitan ng military information, personnel, at training ng dalawang bansa. Kinumpirma ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na umaasa silang makukumpleto ang military purchase mula sa Korea bago matapos ang taon. Sa isang panayam, sinabi ni Gazmin na ang mga bagong eroplano ay magkakahalaga ng P1.5 billion bawat isa, at gawa ng Korean Aerospace Industries sa South Korea. Tiniyak niyang nagbigay ang Korea ng reasonable cost para sa bawat military plane, kumpara sa ibang foreign suppliers. “We are building a pool of jet pilots. This is our interim solution. After this, we will upgrade and buy jets,” ani Gazmin. Kabilang si Gazmin sa ilang cabinet members na kasamang Pangulo sa kanyang dalawang araw na state visit sa Korea.
Posted on: Sat, 19 Oct 2013 01:52:13 +0000

Trending Topics



-that-all-who-are-topic-938595006151196">For all our requests, and in a special way that all who are
Wow!!! What a weekend. I would like to thank all our family and
Calling All Leaders GS and Parents! Anyone interested in earning

Recently Viewed Topics




© 2015