Poetry: ‘Isang tagpo sa Naval Street, Taytay, Rizal’ ni - TopicsExpress



          

Poetry: ‘Isang tagpo sa Naval Street, Taytay, Rizal’ ni Richard R. Gappi Sarado ang daan sa tapat ng Kalayaan. Kaya nag-detour ang mga sasakyan sa eskinita ng Naval. Bumusina ang driver ng jeep na sinasakyan ko sa bata na pitong taong gulang yata -- ang paslit na naka-short lang, hubad, na binanabatak ang sinulid ng kanyang saranggola na nagtatangkang lumipad at salungain ang hangin. Pero nagulat ang bata sa diin ng busina, tumalilis siya sa gilid ng eskinita. Paglingon ko sa kasunod na jeep, dinaganan ng gulong nito ang buntot at kalansay-patpat ng saranggola na nakalupasay sa kalsada. Nangyari ito, bandang alas-diyes ng umaga. # -Richard R. Gappi 12:45PM, Friday, June 28, 2013 Angono, Rizal Angono Tres-Siete (3/7) Poetry Society #angonorizalnewsonline #angono #angonorizal #poetry #rizalprovince
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 04:56:29 +0000

Trending Topics



yle="margin-left:0px; min-height:30px;"> Charles Taku HOME WORK FOR THE NEW YEAR About 53 years ago,
Had a great day at Bartow show yesterday got to meet Fred and
TAG Heuer Mens CAV511A.FC6225 Grand Carrera Chronograph Calibre

Recently Viewed Topics




© 2015