Pulis tinodas si misis saka nag-suicide Ni Arnell Ozaeta - TopicsExpress



          

Pulis tinodas si misis saka nag-suicide Ni Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 30, 2013 - 12:00am BATANGAS , Philippines – Nagpakamatay ang bagitong pulis matapos nitong barilin at mapatay ang sariling asawa sa loob ng kanilang apartment sa Barangay Antipolo, Lipa City, Batangas kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Senior Inspector Dwight Fonte, Batangas Public Information Officer ang nag-suicide na pulis na si PO1 Ronniezon Lasin ng Batangas PNP Public Safety Command. Base sa inisyal na ulat ng pulisya, nauwi sa mainitang komprontasyon ang pagtatalo ng mag-asawa nang barilin nang pulis ang kanyang asawa na si Rodelyn bandang alauna ng hapon. Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas, itinutok naman ni PO1 Lasin ang baril sa sarili kaya nakasalubong si kamatayan. Sa pahayag ni P/Supt. Jacinto Malinao, hepe ng Lipa City PNP, posibleng matinding selos ang isa sa motibo ni PO1 Lasin habang inaalam ng mga imbestigador ng pulisya ang iba pang ugat ng pagtatalo ng mag-asawa na nauwi sa masaklap na trahedya. philstar/probinsiya/2013/09/30/1239617/pulis-tinodas-si-misis-saka-nag-suicide Admin KEN
Posted on: Sun, 29 Sep 2013 17:30:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015