Pulisya may lead na sa rape-slay sa 24-anyos na dalaga sa - TopicsExpress



          

Pulisya may lead na sa rape-slay sa 24-anyos na dalaga sa Iloilo Written by Bombo Iloilo Published in Latest News Saturday, 28 September 2013 ILOILO CITY – May lead na umano ang Pototan Municipal Police Station kaugnay ng panggahasa at pagpatay sa 24-anyos na dalaga sa Brgy. Cauayan, Pototan, Iloilo. Matapos na matagpuan ang bangkay ng biktima na si May Ann Gumban sa sagingan na nasa 150 metro mula sa kanilang bahay sa Purok Balud, Brgy. Cauayan, Pototan noong Huwebes ng umaga, dalawang menor de edad na construction worker ang inimbita para sa imbestigasyon. Maliban sa kanila, isa ring barangay tanod ang sinasabing sangkot din sa krimen. Ayon kay S/Insp. Aron Palomo, hepe ng Pototan PNP, maaaring nakursunahan ang biktima lalo na at ito ay maganda at maputi at naka-shorts pa sleeveless ang suot nito. Maaari aniya na tinakpan ang bibig ng biktima kung kaya’t hindi ito nakasigaw. Ang ama naman ng biktima na si Joey Gumban ay nagsabing wala pang matukoy kung sino talaga ang humalay at pumatay sa kanyang anak. admin chiz
Posted on: Sat, 28 Sep 2013 04:42:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015