Qur,an 2-136: Qulu amanna biAllahi wama “unzila ilayna wama - TopicsExpress



          

Qur,an 2-136: Qulu amanna biAllahi wama “unzila ilayna wama “unzila “ila “ibrahima wa-“isma’ila wa-“ishaqa wa-ya’quba waal-“asbati wama “utiya musa wa-’isa wama “utiya aln-nabiyyuna minr rabbihim la nufarriqu bayna ahadinm minhum wa-nahnu lahu muslimuna. ---> Okayong mga mananampalataya! Sabihin ninyo sa mga Hudyo at mga Kristiyano: “ Naniwala kami sa Allâh (swt) na Nag-iisa at Bukod-Tangi, at sa anumang ipinahayag sa amin na Banal na Qur’ân, na ito ay ipinahayag ng Allâh (swt) kay Muhammad (saw) na Kanyang Propeta at Sugo, at sa anumang ipinahayag kay Ibrâhim (as) na ‘Suhûf,’ at sa kanyang dalawang anak na sina Ismâ`il (as) at Ishâq (as), at gayundin kay Ya`qûb (as) at sa mga anak ni Ya`qûb na tinatawag na ‘Al-Asbât’ – na sila ang mga Propeta na galing sa lahi ni Ya`qûb na nagmula sa labingdalawang angkan ni Isrâ`il. At naniwala rin kami sa anumang ipinagkaloob kay Mousã (as) na ‘Tawrah’ at sa ipinagkaloob kay `Îsã (Hesus (as) na ‘Injeel’ at sa lahat ng ipinagkaloob sa mga Propeta bilang Rebelasyon mula sa Allâh (swt) na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha. Wala kaming ginawang pagtatangi hinggil sa paniniwala sa sinuman sa kanila at kami ay mga Muslim --- taimtim at ganap na sumusuko sa Allâh (swt) bilang pagsunod at pagsamba.
Posted on: Tue, 26 Nov 2013 07:12:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015